Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
John Emil Nov 2017
Pag-ibig ko sayo aking giliw
Kailanman ay di magmamaliw
Kahit amoy ng panis na batchoy
Pag-ibig koy timatataboy

Sa kagandahang iyong taglay
Kailanma ay di ako mauumay
Para tayong ipit sa sinampay
Kakapit at di maghihiwalay

Yan ang pinanghahawakan kong tunay
Ang mahalin ka habang buhay
Kahit humantong sa huling hukay
Ang pag-ibig koy wagas at lalong tumibay
John Emil Oct 2017
Hiling kong makasama ka
Kahit di na tayo humihinga
Mahal pa rin natin ang isa't isa
Nang may pinanghahawakang pangako
Kalungkutan ay di madarama
Sapagkat saya at tuwa
Ang tangi kong gagawin sinta
Nang hiling ko matupad sana
Makasama ka sa tuwina
John Emil Oct 2017
Wag kang magtaka
Kung ako ay mawala
At di na muli tayong magkita
Nararapat na akoy di na makasama
Dahil ikay masaya
Habang nadudurog ako sa tuwina
Hahayaan na lang kita
Basta ikaw ay may tuwa
Mahal pa rin kita
Yun pa rin an huling salita
Namaririnig ng iyong tinga
Ngunit wala kang pakialam sinta
Saakin nadarama

"Mahal pa rin kita"
John Emil Oct 2017
Sino nga ba ang mamahalin?
Upang maging kahati ng aking tadyang
Hindi ko man mawari akoy naguguluhan
Sa babaeng ubod ng marilag

Sino nga ba ang dapat katiwalaan?
Ng puso kung tumitibok na dalisay
Tanging hiling ay iyong maramdaman ng tunay
Kaya’t sa tahimik na pagdarasal di na daan

Sino nga ba gustung harayain?
Kaya palaging nasa malayo ang tingin
Pati puso ko’y naging maagap
Upang hindi ka lang makalimutan

Sino nga ba? Ito’y itatama na
Upang pusot diwa’y di na mag-akala
Kaya’t wag na muling ipaalala pa
Mata’t katawan ipapahinga ko na

Sa aking pagtulog ikay makalimutan
Upang bagong buhay’t mamahalin
Saakin paggising aki’y maranasan
Kayat tanung “sino nga ba?” ay ililibing ng tuluyan
John Emil Oct 2017
Liwanag ng buwang nagpaparaya
Kalungkutang tinitigang ng araw sa umaga
Paglipas ng panahon madarama
Dahil siya ay iyong muling naalala
John Emil Sep 2017
Pusong nagtatanong sinta
Mga matang nagtataka
Utak na di nagpapahinga
Sayo minamahal kong sinta
Akoy nagtatanong talaga
Bakit ikay mahalaga
Sana ako ay mapansin sa tuwina
Tanging hiling ng nangungulila
At palaging tulala
Sa tuwing ikay nakikita
John Emil Sep 2017
YOU
Puso koy nagmamahal
Saiyong bighaning taglay
Panlabas ay di matatawaran
Iyong panloob ay ganun din
Kaya't ngiting iyong ibinigay
Aking suot saan man
Next page