Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Hunyo May 2018
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan
ng mga matatanda, na mas mahalaga ang
nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng
mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa?
Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa.
Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig
na wala ng pag-asa.
Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig
parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita.
Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw.
Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama
ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga
galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang
mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising
pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na?
pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na
kahit buong pisngi ko'y namamanhid na.
kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala.
Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa.
Wala ng pagasang
makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang
magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama
kang mamatay hanggang sa pagtanda,
Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako.
Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko".
Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko
na binalewala at sinayang kasi natatakot ako.
natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo
mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka
hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
Midnight poetry
Hunyo Mar 2018
Sa mundong puno ng pagdududa
Hirap kumilos, bigla kang tinamad
Ayaw ng bumangon, naalala ko nanaman
Yan ang mga sinabi mo

Sa mundong mapanghusga
Mahirap magkunwari
Nawawala rin ang mga ngiti
Ayaw mo lang kasing subukan

Mas mabuti na lamang na lumayo
Pagmamasdan na lang kita sa malayo
Lahat maaabot mo, walang imposible sa’yo
Pero hindi kita masisisi kung bakit ka ganyan
Napuwing nanaman ako

Hindi na ako nagtataka
Hindi ko rin naman alam
Ganoon na lamang ang lahat
Pagmasdan mo lang ang paligid
Baka nandyan lang

Nababalot ka ng alinlangan
Magulo ang isipan
Hindi ka pangkaraniwan
Naiiba ka sa kanila
Iyan ang naalala

Hindi na ako magtataka
Kung ayaw may dahilan
Wala ka naring pakialam
Hindi na ako nagtataka

Wala kang kasalanan
Maging masaya ka lang
Hindi na ako magtataka
Midnight poetry
Hunyo May 2018
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda
Buwan at araw ang ating saksi
Ikaw ang dulo, gitna at panimula
Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga
Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa

Bakas man ang pagod sa mga mata
Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan
Sa mga dahon na sumasayaw;
Sumasabay din ang bawat galaw
Nais kapang makilala

Gaya ng kalikasan
Unti-unting matutuklasan
Pag-ibig na gustong maasam
Dagat na walang katapusan
Sa init man o lamig
Ikaw lang ang sasamahan

Walang hirap basta’t magkakasama
Anumang daan nais kong malagpasan
Sa’yo ang direkyson, saan man patungo
Gusto kong manatili
Sulitin ang lahat
Bago ang araw ay sumapit

Gaya ng kalikasan
Nandoon ang nais makita
Magsasama hanggang langit
Kay gandang pagmasdan
Mga puno’t halaman

Hindi ko alam kung hanggang kalian
Wala sanang unos o kalamidad
Gaya mo ay kalikasan
Nais protektahan
Nais alagaan
Salamat kay kuya sa pagtulongggg
Hunyo Oct 2018
Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala.
Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita.

Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, pero  kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba.

Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.
Hunyo Jun 2018
Unang araw ng klase
nakita ko tong magandang babae.

Unang **** ang sumulpot,
Napansin ang iyong ganda. Sino ba naman daw
hindi maaakit sa iyong itsura?

Hinintay na magpakilala ka sa harapan
nais ko na kasing makuha ang iyong pangalan.

Unang break time ng klase,
may lumapit sayong matipunong lalake.
Napansin ko ang 'yong mukha para bang
hindi ka komportable.

Pangalawang ****, siya'y nagtanong sayo.
Kung sino bang natitipuhan mo sa klase.
Tumayo ang balahibo ko nung tinuro mo'ko
at sinabi **** pwede ba kong tumabi?

Nagulat ang ating mga kaklase, ganon na rin
ang ****. Sa dinami daming lalaki ba't ako
pa ang napili mo? Ang tanging sagot mo na
nagpakabog ng puso ko. Yun ay, ikaw lang yung
nakita kong lalaking deretsyong nakatingin sa mga
mata ko.

UWIAN NA!
unang araw ng klase
Hunyo Jun 2018
you are the midnight sky
reflect the dark and mysterious
and I want to explore your dark corner
because without the darkness
the stars would not shine
and so are you
like the stars that don't speak its words,
you keep the untold stories
and the hidden truth
inside your beautiful soul
but I promised you one thing, my dear
if you were the night and the darkness,
I would be the shooting star
to fall in your heart
and I would be the starlight
to lighten up your whole sky.
#midnight poetry
Hunyo May 2018
Alam mo ba may panahon akong gustong gusto kong
matutong magmahika, yung bang isang abracadabra
ko lang nandito kana. nandito ka. Hindi ko maipinta,
segundo, minuto, oras ikay gusto lagi kasama.

Alam mo ba napawow ako sa sobra **** ganda, kaso
natatakot ako na baka sa isang araw magmagic ka
at bigla ka nalang mawala na tila ba'y alabok at bula.

Syempre pangako sayo, hinding hindi ko hahayaan
na mawala ka, hahanapin kita kahit saan, mabisto lang
kita. Mahal, wag ng tumakas pa.
Dito ka nalang sa piling ko sinta. Pagmamahal ay buo,
di na makukulangan pa. Sayo'y wala ng hihigit pa.
Kaya wala ng paligoy ligoy pa, Mahal na kita.
Hango sa totoong istorya pero hindi kami mahikero't mahikera, tanungin ko na ba si crush kung pwedeng manligaw?

— The End —