Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mark Ipil Sep 2015
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin,
Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin,
Isang bagay na tumuldok  sa aking naisin,
Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin.

Kaibigan, isang taong laging nandiyan,
Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,
Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan,
Hindi ka matiis kahit mapunta  saanman.

Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway,
Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway,
Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away,
Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
P.S. Hindi lang tatlo ang lebel ng kaibigan. :D
Pluma Apr 2015
Kling Klang....  Kling.. Klang..

Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.

Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.

Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.

Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.

Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.

Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.

Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?

Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!

Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa *anghel
sa tiyan nito.

Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.

Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.

Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.

Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.


*
Kling Klang... Kling.. Klang..
Bells and their ironies.
Ang edukasyon ay kayamanan na Hindi mananakaw ng sinuman. Napakahalaga ng edukasyon dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan.                                                    
      Nasabi ko ito dahil sa panahon ngayon, karamihang natatanggap sa trabao ay ang mga nakapagtapos sa pag-aaral at ang trabahong ito ay nagsisilbing tulay tungo sa kanyang kaunlaran pati na rin sa pakikipagsabayan sa agos ng buhay.
      Ang edukasyon ay susi sa pag-unlad upang makamit ang pag-unlad na ipinamamana ng ating sarili. Ito ang pundasyon natin upang makaahon sa kahirapan tungo sa tuluy-tuloy na kanlaran at kasaganahan na inaasam-asam natin at ng ating mahal na bayan.
      Ang edukasyon ay sadyang mahalaga sa lahat, noon hanggang ngayon. Ito ang pinakamatibay na pundasyon ng isang tao. Ito rin ang maaari naging dalhin saanman rayo pumunta at walang sinumang makaaagaw into sa atin.
1017

Gusto kong bihisan ang bawat tugmang binibitiwan mo
Na para bang ayokong manatili ang mga ito
bilang mga sugnay na makapag-iisa
At magiging isang abstrak sa pagitan ng Ikaw at Ako.

Kung isusuma ko ang bawat pangambang parehas nating tinalo'y
Baka nga matagpuan ko ang katuturan sa sinasabi nilang Tayo
Pero sa aking paghihimay
Para bang ang Tayo ay isang katapusan na lamang
Na hindi na kailangang bigyan pa ng kahulugan
At tuklasin ang panibagong simula.

Sa aking paghahabi ng bawat salaysay
Na mismong binitiwan natin nang magkahiwalay,
Natuto na rin akong iahon ang sarili
At hindi na muling magpakamatay --
Magpakamatay ng mga pangarap na isinantabi
Sa sabi mo noong
Ika'y tunay na makapaghihintay.

Ang pag-urong ko sa laba'y hindi literal na pagsuko
Hindi ako sumuko sa laban
Na para bang tumatakbo nang nakapiring
At walang kamalay-malay sa kung saanman ang direksyon.

Umurong ako bilang distansya sa ating dalawa
At piniling sumuong sa umagang mag-isa --
Mag-isa at wala ka na
Wala ka na,
Naglaho ka na ngang talaga.
Para sayo pala
Baka sakali,
Baka sakaling marinig mo.
clarkent Aug 2017
Noon gumagawa ng tula
Tungkol sayo at saking pangungulila
Sabi ko, andito ako at hihintayin kita
Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita
Parepareho lang ang tema
Laging tungkol doon ang nalalathala
Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka
Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na
Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa

Ngayon sabi ko,
Tama na muna siguro
Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako
Yung isip ko lalo lang gumugulo
Siya pa rin naman ang hawak mo
Tapos satin wala namang nagbabago
Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo
Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"

Bukas, malay mo magkatagpo na naman
Dito, doon o saanman
Malay mo baka pwede nang muling simulan
Yung naputol na pagmamahalan
Kung kaya nang ipaglaban
Kung kaya nang panindigan
Kung kaya nang kalimutan
Yung masasakit na nagdaan
Kung nanaisin nang muling balikan
Saka na lang ulit natin pagbiyan

Mahal, gusto ko lang sabihin
Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin
Habambuhay nang nakatatak sa paningin
Ngunit akin munang palalayain
Sa malayo na lang kita hihintayin
Sa malayo na lang muna kita mamahalin
Hindi na muna kita pipilitin
Hayaan na lang muna natin
Kung saan tayo dalhin ng hangin
Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
Ysabel Nov 2017
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho.
Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa.
Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan.
Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap.

Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay.
Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin.
Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating.
Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo.
Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
Penne Dec 2019
Mga nakatago sa letra
Ang mga sagot

Ang mga sagot ay nasa letra
Ang luha
Ang inis
Ang dugo
Ang init

Ang pintura ng aking maduming brotsa
Ang mga espasyo na akala ay walang saysay
Iyon ang mas nagpapalayo sa katotohanan

Sa siyudad na malaki, pero ang liit
Parang nilakad ko na ang bawat sulok nito

Mahilig ako sa bagay na hindi lang madaanan
O maiwasang daanan

Ang tinta ng aking espirito
Itatak sa iyong santong puso

Malakbay sana magkasama
Ang mga lumulutang na letra
Samantalang ang boses mo na tulad ng awit ay nasa likod ng eksena

Malikhain ang gumuhit sa iyo
Ang larawan **** mabait
Mamantsahin ko
Ng aking bahaghari
Nawa hindi mawari

Wala dapat ang oras
Parang picture frame tuloy ang buhay ng bawat tao
Nandiyan lang
Nakatago, nakatayo, nasa pader---nakapako
Nadadaanan lang
Isang titigan lang

Sa iyo, isang titig ay hindi sapat
May nakatagong ginto
Hindi pangkaraniwang ginto
Ginto na hindi hinahanap ng lahat
Ginto na hinahanap ko

Nagpapawis nang sobra ang aking mga kamay
Maligoy ang mata
Tumitibok nang mabilis pabilis

O Dios, saanman, makasalanang mansanas bumubunga ng sanlibong bulaklak
Tinutuklaw nila ang aking lason

Wala na akong pake sa sagot
Mapaakit ka hanggang mabili ka

Kahit hindi ka muna magsalita
Hindi paliwanag sa mga titik
Ang paru-paro at ang agila

Nilamon ang itim
Namula ang bibig
Puti ang langit
Ubeng mata
Kahel ang balat
Bughaw na dugo
Dilaw na anino
Berdeng ilaw

Bangis ng indigo
Samantalang sila ay abo

Maligo sa aking isip
Taas na tingin sa mababaw na sahig
Ito ang ating luho
Zigzag man ang dating
Kapag nabili na, wala ng tubig parating
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan
Mula sa bagyong dito ay dumaan
Kapani-panibago ang tanawin saanman –
Ang bundok sa silangan at sa kanluran
Maging ang natatangi naming simbahan
At iba pang malalayong kabahayan
Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan

Sapagkat mga puno ay kinalbo niya
Marami rin dito kanyang pinatumba
Mga poste ng kuryente ay kasama
Mga palayan ay naging dagat na
Ilog ay halos umapaw sa kalsada
Kahit malalaking bahay ay giniba
Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!

-11/09/2013
(Dumarao)
*due to super typhoon Yolanda that hit our town
My Poem No. 232
15 Ang dalagang si Pina
Maliksi’t abenturosa

16 Mahilig magtungo
Sa bundok pinakaulo

17 Tanging pana ang tangan
Mga palaso kasamahan

18 Sa ibon iduduro
Makabasag-bungo

19 Dali-daling sasaluhin
Ang ibong kukunin

20 Kaytibay na goma
Nakakapit sa narra

21 Ang pana ni Pina ay iyon
Dala niya saanman pumaroon.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 159
8 Ang binatang si Ihib
Na matibay ang dibdib

9 Laging umaakyat ng bundok
Ilang beses na sa tuktok

10 Tirador ay bitbit
Kasama ng mga batang malupit

11 Na sa ibon iaasinta
Upang madakip sa tuwina

12 Mga bato’y umiimbulog
Sa ibong ihuhulog

13 Sa sanga ng bayabas
Higpit ang gomang pang-utas

14 Kasamang matimtiman
Magtungo saanman.

-07/07/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 157

— The End —