Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
dalampasigan08 Jun 2015
Unang Kurap

Nagising ako sa isang tahanang walang dingding, haligi o kasangkapan.
Tanaw ko ang mga ulap sa kalangitan at dinig ko ang mga ingay ng mga nagdaraan.
Ninais kong tumayo kaya’t iniangat ang aking ulo
ingat na ‘wag masagi ang mga nagdurugong sugat.
Nanginginig ang buo kong katawan at nanlalambot ang mga kalamnan.
Hindi ko halos maaninag ang kulay ng aking paligid sa itim na usok na nagkukubli nito.
Iginala ko ang aking mga kamay sa pag-asang baka may iilan pang piraso ng tinapay na natira mula kahapon.
Ginalugad ng mga daliri ko ang bawat sulok ng kawalan at bawat supot ng pangarap
ngunit ako’y bigo.
Isang sisidlang kalawangin ang aking nadampot
isang sisidlan ng pira-pirasong awa ng mga taong kahit na papaano’y nakauunawa sa kalagayan kong aba.
Inuga ko ng ilang ulit ang lata ngunit walang ingay ng barya
walang musikang magpapaligaya.
Magsisimula akong humikbi ng paunti-unti na para bang malalakas na kulog sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan.
Pipigilan kong maigi ang mga luha hanggang sa mayroong magkamaling sumagi sa aking mga sugat,
saka ko lamang sisimulan ang isang marahang pagluha na magtatago sa tunay na sanhi ng pag-agos nito
kasabay ng pag-inog sa aking isipan ng mga katagang
"sana, hindi na lang ako nagising."
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
Nyl Aug 2015
Minsan na bang naglaro sa iyong isipan
na sa bawat araw na nagdaraan
ikaw lamang ang mayroong kakayahan
na makapagpatakbo sa iyong kinabukasan?

Mula sa pagmulat ng iyong mata,
sa liwanag na iyong nakikita; ikaw ba'y nagtataka?
Na bakit ang isang katulad mo ang nabiyayaan
na makapaglakad sa mga malamig na sementadong daan?
Gayong sa iyo naman ay walang kakaiba.
Teka, wala nga ba talaga?

Sa bawat dugo na pinahintulutang sa iyo ay dumaloy
malaman mo sanang nalunasan mo ang aming panaghoy
Huwag mo sanang isipin na nawawalan ka ng karamay
sapagkat ako'y narito, handang iabot ang aking kamay

Sa iyong mga mata, nawa'y masalamin ko pa ang kinabukasan
ang ngiti sa iyong mga labi, huwag sanang lumisan
sapagkat, kaibigan
narito kami upang ikaw ay tulungan

Sabay nating hintayin ang hinaharap,
baka sakaling doon ay matapos na ang paghihirap
4J
Pusang Tahimik Feb 2019
Ang araw ay pumapatak na parang orasan
Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan
Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan?
Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan

Teka sandali hanggang dito ka na lang
Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang
Akala niya ay wala nang hahadlang
Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang

Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan
Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan
Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan
At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan

Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal
Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal
Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal
Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal

JGA
Ilatag mo na
ang bagong kutson
sa sahig ng malaking silid
na may kisameng
abot langit.

Ipaghehele ka ng ugong
ng nagdaraan
at bulong-bulungan
ng palabas na
ikaw ang minsang pinagmamasdan.

Ibulong mo ang iyong panalangin,
pasasalamat o paghihinagpis,
na nawa
sa pagsikat ng araw, magkatotoo na
ang panaginip.

Ilang beses ka na bang pumipikit nang iniisip na hindi na sana muling didilat pa?
JulYa04 Jan 2018
Pilit naghihintay
Patuloy na nalulumbay
Bawat araw na nagdaraan
Iniisip pa din ang nakaraan

Bawat ngiti sa labi
May luha sa mata nakakubli
Ganito nga ba lagi mag isa?
Paano ba ulit ako sasaya

Kelan kaba darating
Tanong ng iba ako bay praning??
Minsan lng mg "emote" ano kaba?
Maarte ako!bakit ba?
Christine Calisa Apr 2019
Dumating ka sa buhay ko, sa di inaasahang pagkakataon.

okay naman ako nung wala ka.

Ayos lang naman ako sa mundong ginagalawan ko nung wala kapa.

Pero hindi ibig sabihin na di ko ginusto na makilala kita.

kasi kung makikita mo..

ikaw ang nagpaikot sa isipan ko.



Bakit nga ba hindi pwede ?

Bakit hindi maaring maging tayo ?

Bakit hindi pwedeng mahal kita at ang mahal mo ay ako ?

Bakit kailangang hanggang magkaibigan lang ?

Anong mali ?

Yung lugar ba ?

yung pagkakataon ? panahon o ako ?



Sa bawat minutong nagdaraan ang pinapangarap ay ikaw.

Sa panaginip  ay halos laging ikaw ang laman.

Sa panaginip na tanging lugar na may ako at ikaw.

Tayong dalawa lang hanggang sa ako'y magising sa katotohanan.



Bakit nga ba hindi pwede ?

Bakit hindi maaring maging tayo ?

Bakit hindi pwedeng mahal kita at ang mahal mo ay ako ?

— The End —