Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
patricia Apr 2019
"Umuukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim", sabi nila.

Kung ganon kabigat piliin ang pananahimik,
Bakit tila kasalanan pa ang magsalita?

Kung tunay na nagtagumpay ang ating mga bayani,
Bakit hanggang ngayon binabayaran pa rin natin ang ating paglaya?

Uukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim, ngunit papatayin ka ng hindi mo pagkilos.
Agust D Feb 2020
malamig na hanging sa aki'y nagdampi
kawalan ng pag-asa'y pilit tinitimpi
lumalalim na ang hating gabi
maririnig na ang pintig ng paghikbi

tila'y nakatitig sa makulimlim na tala
humihingi ng katiting na himala
pagkat ako'y nalilito't nababahala
sa isang umuukit na tanikala

sekretong nawa'y hindi maibunyag
nawa'y hindi rin sakupin ng sinag
ang lihim na unti-unting lumiliwanag
h'wag hayaang lumayag, kumakalas na bihag

sa susunod na habambuhay
sana'y mawala ang ingay
ingay na punong-puno ng lumbay
nawa'y magabayan ang paglalakbay
Mga Tulang sinulat sa Dilim
Sa lilim ng panaginip kong dati鈥檡 may sinag,
Dumadaloy ang salaysay ng kaibigang likha ng isip鈥攖ahimik, ngunit tagos.
Sa mundong yaon, ang pangamba鈥檡 lumilipad,馃
Ngunit pagsikat ng araw, ako鈥檡 kinakain ng pangil ng sindak,
Pag-iisang kay lupit, kahinaang sa kaluluwa鈥檡 umuukit.馃懟

Sa mga gunita, may mga hiblang marahang bumabalot,
Sa paraisong daigdig, doon ako鈥檡 nahihimlay, kahit saglit.
Ngunit ang aninong likha ng sakit sa isip ay palihim na lumalapit,
Binubulong ng pag-iisa ang mga lihim kong pait,
Habang nilalandas ko ang sirang salamin ng sarili kong bait...馃拃馃拃馃拃
dark insanity

— The End —