Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo Sep 2015
Ang traffic na ito ay hatid sa inyo
Ng mga walang kwentang T-M-O
Mga driver na barako
Mga motorsiklong biglang sisingit sa tabi mo

Oh kala mo nakalusot ka
Ikaw na hindi sumusunod sa batas ng kalsada
Tumatawid kahit berde pa ang ilaw
Gusto mo pa ata na maagang pumanaw

Kayong mga nagbebenta sa tabi ng bangketa
Naiintindihan namin na gusto nyo lamang kumita
Pero sana maintindihan nyo din na nakakasagabal talaga
Ang mga pwesto nyo halos sakop na ang daanan at eskinita

Ganito na lang ba?
May mababago pa kaya?
Subukan nating umpisahan
Sarali natin ay bigyan ng kaayusan
a name Jul 2021
i ventured out to visit a church in the far northern Nova
and to visit a farther church in the newborn Bagong Silang

and later i would return to my home
the lowly pub of Tacio
in the ruthless, wondrous Cubao

pero nakakagago ang trapik
isang oras sa quirino
lima sa perbyu
isang milyong mga naghihintay
sa ilang milyong mga vios

but who am i to complain
i had a good seat on an airconditioned bus
and a front seat on a jeepney

kung di lang mabaho sa harap
perpekto na sana
isang paa ako sa kalye
handa nang tumalon at makalimutan ng drayber

the whole country was in cold rain
colder than any winter
anyone could've imagined
the foreigners would agree with me;
the ones in the malls didn't have red skin
and they looked like they were glad to finally wear the clothing they were destined to wear

pati si ate nagbebenta ng basahan
naka pang ski
akala mo bakasyon sa estados

i didn't have a good prior week
medicine failed me
i had an itch in my head
i couldn't write anything
i felt my angry filipino palaboy scream out passionately for beer and conquest

kung beer lang pala
sa expo nalang ako nanatili
pero 85 para sa serbesa negra
walang coaster walang mani
mas mura pang pumunta ng nova
at maghanap ng beer dun
may extra pa pambili ng pang sigang

i am not particularly religious
but i loved the old church
inside the market
and all of it's ironies

ingay ng power drill
budots at kpop
presyong divisoria
sampu sampu
bente trenta
at iba pa

it emanated all around such a holy place
and as much as it saddened me
i had nostalgia for the sound of the busy city
echoing inside a cathedral

pina alis ni kristo ang mga nagbebenta sa loob ng tahanan ng kanyang itay
pero nanatili ang kanilang mga boses
mga sigaw

diretso ako sa sakayan papuntang Philcoa
sa harap ulit ng jeep
naisipan kong umuwi nalang
ngayong nabisita ko na ang talipapa
hindi pa puno ang mga upuan pero diretso na rin si kuya drayber
pagkat mahina pa ang ulan at trapik

i often think during the noisy silence of rain
and this time i thought
about the lengths i would go to
just for escape
for inspiration

beer and conquest i thought

bakit ko nga pala ginawa to?
sa tingin ko'y tinamad na kong magdusa sa loob ng bahay
mas nasipagan pa kong mamasyal sa ulan
naghihintay ng kaginhawahan sa kalye

sa tingin ko'y naintindihan ako ng jeep
at ang kanyang pagkinig ay ala masahe sa aking likod

the jeep understood me
and so did the ride
there was little traffic
and the rain was softer than before

and in that massage i received from the seat of a rumbling jeepney
was meditation

sa lahat ng byahe ko
ang aking isip ay palaging sa labas ng bintana
madalas natin ginugugol ang ating dilat sa pagdaan ng mundo
sa kapaligiran ng ulan
sa lamig ng ating balat

"in all of my travels
my mind is always outside of the windows
we often spend our sights on the passing of the world
the presence of rain
the cold on our skin"

i haven't thought of that before

di ko pa naisip yun ah

masulat nga

and i took a piece of receipt paper out of my coat pocket
and the rain did not tamper it

the rain is soft
the wind is brisk
the traveler feels the world once again

and he wrote down
for the first time
in weeks

masahe sa harap ng jeep
073115

Ang pagpara'y naging daan
Hindi alintana ang trapik
Kumukutitap ang asul
Patungong berde ng panimula.

Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim
Medyo napasilip, kahit saglit
Biglang nautal ang pag-iisip
Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito.

Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko
Baka ang bukas ay maging ngayon,
Yan ang isip ko.

Panandalian akong napatingin
Medyo kumakapit sa bakal,
Ibababa ko ang mga kamay
Sabay paulit-ulit lang,
Pagkat nakakangalay.

Kaya pala ang bagal nang takbo mo
Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin
Hindi ka man lang lumingon
Hindi ka man lang napatingin
Kahit distansya nati'y
Segundo lang ang milya
Ganoon tumibok ang oras.

Napapikit ako
Nagulat pagkat tama ang akala
Hindi nais na ganoon ang pagkikita
Akala ko kasi'y lumisan ka na
Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik
Pero haharurot sa kalsada,
Naghahari-harian sa eksena.

Hindi ako galit sa tadhana
Na naglalapit sa atin sa isa't isa
Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na
Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada.

Napakapit ako sa bilis ng takbo
Ang pusong walang tibok,
Walang mintis kung sinusubok
Nangangalay ang pagtitiis
Ang hirap pala ng posisyon ko,
Tinatalikuran, dinaraanan lang
Nilalagpasan lang,
Nauusukan, nasasaktan
Ayoko na lang sa backride.

"Para na, Kuya."
Sam Po Sep 2014
Hangga't  umaapaw pa ang angat dam
sa iyo pa rin ang aking  pagmamahal.
Hangga't  bahain pa ang downtown
isusulong natin to, mahal.
Hangga't  usog pagong ang trapik sa daan
ang pintig  nang puso ay ikaw.
Ganyan kita  kamahal,
matibayng  isusulong at ipaglalaban
ang pag-ibig na walang hanggan.
Hello Realidad! Gising!

#hanggat #trip

— The End —