Pagod ang katawan, mabigat ang araw,
pero nariyan ka, kaya’t gumagaan ang galaw.
Hindi kailangan ng magarang tanawin,
balikat ko’t hikab mo’y sapat na aliwin.
Sa gitna ng usok, ingay, at pila,
may tahimik tayong mundo na tila
walang ibang tao kundi ikaw at ako—
dalawang pusong sabay humihinto.
Dahan-dahan kang sumasayaw sa tanaw,
kahit hindi kita kinakausap, alam **** ikaw
ang dahilan kung bakit di ko na alintana
ang layo, ang trapik, ang problema.
Sana'y huwag matapos ang ganitong tagpo,
kung saan ang simpleng pagtingin ay totoo.
Wala tayong yaman o oras na sobra,
pero habang magkasama tayo—sapat na.
https://open.spotify.com/track/1Sb17ULI2TTxIDKiqKV2zv?si=73819d9e94c145b9