Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wizmorrison Jul 2019
Wika ko ay siya ring wika mo
Tayo ay mga kapwa katutubo,
Pilipino ang ating sinisimbolo
Ano man ang ating kulay at anyo.

Wika ay pagkakaisa ng bawat isa
Pinagbuklod-buklod ang puso’t diwa,
Bukambibig ng maraming dila
Sa pagkakaintindihan siya’y itinakda.

Wika natin ay dapat na mahalin
Hindi natin dapat alipustahin,
Ito ay karapat-dapat na galangin
Ating ipagmalaki at ating tangkilikin.

Wika ay siyang sagisag ng ating bansa
Na binuo ng mga  mamamayang bihasa,
Dilang bihasa sa paggamit ng wika
At mahilig sa mabulaklaking salita.

Wika ko ay siya ring wika mo
Bumubuhay sa ating pagka Pilipino,
Pinapatatag ang ating hukbo
‘Yan ang tibay ng Filipino!
Dark Nov 2018
Isang republika na gawa sa pangarap,
Pangarap na walang kasing sarap,
Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap,
Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap.

Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong,
Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong,
Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing,
Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling,

May pag-asa pa ba tayong lumaya?
May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya?
Kung lagi tayong kumokopya,
Kailan pa ba tayo tunay na liligaya?

Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin",
Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin,
Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin,
Wag hayaang tayo'y lamunin.

Produktong pilipino'y mahalin,
Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin,
Sariling wika ang aralin,
Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin.

Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit,
Dahil tayo'y isa paring yagit,
At nagpapagamit,
At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia
Bughaw ang simbolong kulay nila
Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia
Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta

Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro
Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito
Nais nila ang pangunguna at pamumuno
Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging ****

Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin
Kung paano ang pagiging **** ay tangkilikin at mahalin
Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin
Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin

Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo
Dito ko nadama ang pangarap kong totoo
Ang maging tao na makaguro, ang maging **** na makatao
Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko!

-10/23/2017
(Dumarao)
*a tribute to TED of CapSU-Dumarao
My Poem No. 557
Para sa bansa, sila ay naghihirap
Upang makamit ang bunga ng pagsisikap
At para na rin sa kani-kaniyang pangarap
Ating tularan at bigyang ng lingap.

Manlalaro ng bayan na dapat tularan
Bigyan ng pansin at dapat tulungan
Nagsisikap ng lubusan at nahihirapan
Ating tularan at ating parangalan.

Huwag kalilimutan at ating tandaan
Mga atleta ng baya na naghihirap nang lubusan
Dapat tangkilikin at ating tularan
Nang pagdating ng panahon tayo ay pumalit
Sa mga manlalaro ng bayan.

— The End —