Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
candykendys Mar 2019
naalala ko pa lahat,
lahat ng ating pinagsamahan,
pinagsamahan mula hirap at saya,
saya na hindi ko inakala,
inakala na magtatagal,
magtatagal ngunit sakit ang naging dulo.

ikaw, naalala mo pa ba lahat?
lahat ng mga alala,
alalang alam ko unti-unti mo ng nilimot,
nilimot kahit ako,
ako na sinakripisyo lahat pero ako pa rin ang mali.

saan nga ba ako nagkulang mahal?
mahal, namimiss ko na ang iyong mga yakap,
yakap **** kay higpit na ayaw akong bitawan,
ngunit dumating ang aking kinakatakutan,
kinakatakutang iwan ako at iyon ang iyong ginawa.
Patricia Balanga Jan 2018
Kung alam mo lang
Na ikaw ang dahilan
Sa bawat ngiti
Kung alam mo lang
Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay
Kung alam mo lang
Kung gaano mo ako pinasaya
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya
Kapag kausap at kasama ka

Kung alam mo lang
Na ikaw rin ang dahilan
Kung bakit may mga luhang dumaloy
Kung alam mo lang
Kung gaano rin kalungkot
ang makita kang malungkot
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong damayan
Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong puntahan
Nang sinabi **** malungkot ka

Kung alam mo lang
Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka
Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan
Kung alam mo lang din
Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka
Kung alam mo lang
Ang mga tanong na nais itanong sa’yo
“Naiisip mo ba ako?”
Kung alam mo lang
Kung gaano kakulang ang tulang ito
Para masabi sa iyo ang damdamin ko
Pero…
Gusto kong malaman mo
Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi

— The End —