Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sapantaha" poems
Tulala sapagkat walang ginagawa, sa maghapong oras ay nagdaraan Tulala sapagkat napapagal, buong araw sa trabaho ay inilalaan Tulala sapagkat sawi, puso ay humahangos at puno ng pighati Tulala sapagkat nabigla, may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip, panahon na walang alintana Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na” Ang pagtingin sa kawalan ay para ring mahimbing na tulog sa gabi- Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin at itago ang labi At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw- Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa para gunitain ang pag-ibig Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip, isip na puno ng ibang ligalig Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman Kung hindi man, ay para saan? Iwaglit na ang mga sapantaha, sapagkat ang tulang ito ay nagawa na Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 3:18 PM UTC
Tula·Para·Sa·Mga·Tulala
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
sa dami ng puting buhangin,,may ugong ang paligid sapantaha koy taimtim na nagmamasid sapagkat pikit-mata akong napatitig ng isang iglap dahil sa aking hinagap tanging puwing ang nasagap o luntiang hugis-bakit ang kaanyuan meron akong mumunting katanungan hiraya manawari,, maibsan itong alinlangan kapara ng hardinero sa kanyang halamanan hanggang kailan pa kaya ang pagkapa ko sa dilim? at sa aking pagdilat,,di na ba matatakam sa pagtikim? sa samyo ng mahiwagang halaman,, sa tubig ay tigib sa nakaambang mga tinik,,pahiwatig ay kutob sa king dibdib Tanong Ko Lang?,,,,,,, KANINONG ANINO NGA BA ANG TILA NANGANGAMBA, SA SILWETA O SA TALABABA? DI KASI HALATA,SINTOMAS NG AMIBA!
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 7:11 AM UTC
tuloy po kayo! taka?
Kung oras ay magwawakas Sa langit ang hihintin Saranggola ay dadalhin Na yari sa buntunan ng paninimdim Sapagkat ang landas Ay piniling tinahak Wala man harang ngunit dulot ay sakit Pagtitiis ng kirot ay sinapit Sana'y maging panaginip ang katapusan At matutupad ang pahimakas Tulad ng hangaring sibat Tumusok sa tudlaan Ang Amihan ang maglalagay sa himlayan ng hangin Di na pumailanlang sapagkat malamig ng samyo ng nalalantang pag-irog Sa gunamgunam ay binabalik balikan ang sandali nang unang pagtubo ng bulaklak Sapantaha'y mabibigo rin naman Pananabik nang marubdob ay nasawata nang biglaan
0
Sep 10, 2019
Sep 10, 2019 at 8:09 PM UTC
Ang Buhay sa Talipsilim #78
Bago iusal ang pangangamusta, Pusang itim ay biglang lumukso sa harapan Anu-ano na lang ang mga sapantaha pero patuloy pa rin sa pag-uusap Kanyang problema'y nalaman Takdang-aralin na sa kanya'y palaisipan Nalutas at nabigyan ng kasagutan Ngunit nagtaka, sa tuwing magkakabanggaan ang mga tingin ay laging napapangiti Sa pag-unat ng kanyang labi ay nagiging kulay makopa Kung alam na sana ang gagawin ay di na sana nagpabaya Matagal nagkwentuhan Ngunit nang sinabi na sa siyudad ipagpatuloy ang pag-aaral ng abogasya ay natuldukan ang pag-iipon ng lakas ng loob upang magtapat Sumungaw pa rin sa bibig kung ano ang ibig Ngunit dinaan sa biro sa pagsabi na maghihintay pa rin Mukha niya'y seryoso nang magsalita, na sana ang minamahal ay magpakatotoo sa kanya Hindi na umimik sapagkat mayroon ng lalaking-ibig Di pa umaalis ang mata niyang nakatitig Niyapos nang mahigpit at nagwika na ipangako na maghihintay sa kanyang pagbabalik Naipangako naman na hihintayin
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 5:56 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #49
Tila totoo ang aking sapantaha Pag-ibig mo'y nasa kaniya na Dati'y nasa akin pa Ngayo'y nanlilimos kahit tira tira. Lokohin man ang sarili Sabihin mang hindi na ikaw Hindi mabibilang sa daliri Ang patuloy na pag-alala sa iyo sa araw araw. Tila totoo ang aking sapantaha Sariwa pa sa aking mga ala ala Noong tayo'y naguunahan sa pagbibisekleta Tayo lang dalawa sapagkat tahimik ang kalsada. Sumobra ako sa patakbo Dahilan upang matumba ako Inalalayan at nag-alala ka ng husto Pagkatapos no'n ay sabay tayong humalakhak dahil sa katangahan ko Araw-araw mo akong pinapaligaya Sa mga mensahe **** nakakatawa Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa Iyon ang aking sapantaha. Ganoon tayo kasaya Kahit isaw at kwek kwek lang ang meryenda Hindi nasa meryenda ang aking kasiyahan Nasa taong kasama ko na gusto kong maging kasintahan. Ang sarap balik balikan Mga panahong buo pa ang ating samahan Kay bilis lamang magbago ang ihip ng hangin Kasabay no'n ay wala ka na pala sa akin. Tila totoo ang aking sapantaha Hindi dapat ako masyadong nagtiwala Sa katulad **** magaling magpatawa Dahil isa lang pa lang biro ang lahat ng iyong ipinadama.
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:31 PM UTC
Sapantaha