Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
012517

Wag mo akong sanayin
Habang hawak mo ang mga kamay ko --
Mga kamay na tila hinulma para sa isa't isa
Mga kamay na alam kong ayaw nang bumitaw sayo.

Wag mo akong sanayin
Habang yakap mo ako --
Yakap na matagal kong ipinagkait sayo --
Dahil natakot ako
Natakot akong yun na ang una't huli.
Ilang beses akong tumanggi
Kasi alam ko ring hindi ko mapipigilan
Ang pag-agos ng luha sa nga mata ko.
Ayoko kasing ikaw yung sumalo
Sa pagal kong mga matang ilang beses nang nagpatalo.

Wag mo akong sanayin
Habang sinasabi mo ang mga salitang "mahal kita."
Pagkat sa bawat sambit mo, natatakot ang puso ko
Napupuno ako ng kaba
Na baka bumitaw ka na namang bigla.

Wag mo akong sanayin
Habang sumasandig ako sayo
Ilang beses na akong nagpaalam sayo
At hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako.

Wag, baka masanay na ako
Masanay na lagi kang nandyan
Masanay na hindi ka bibitaw
Masanay sa pagmamahal mo
Masanay at muling **masayang ang lahat.
Pero kahit pa, masanay man ako o hindi. Bumitaw ka man ngayon o bukas. Kahit pa at kahit na, kasi alam kong pinili kita. Alam kong mahal kita. Alam kong totoong mahal kita. Kaya kahit sinasabi kong wag, sana yung isang wag ang tandaan mo: wag ka nang bibitaw pa.
Meynard Ilagan Apr 2017
Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan
Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan
Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi
Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi

Nasasanay na sa ganitong sistema
Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan
Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa
Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw

Sa iba ibaling, paningin at isipan
Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari
Sandamakmak na galit subuking maiwaglit
Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.
-meynard
Kurtlopez Jul 2023
Madalas sinasabi ng nanay ko sa'kin, "Masanay ka na lang kasi, ganoon naman talaga eh."

Pero palagi kong iniisip,  na kailangan ba talaga natin sanayin ang sarili natin sa mga bagay na hindi naman dapat natin nararanasan?

Hindi ba pwedeng tayo na mismo ang gumawa ng paraan para makalaya mula sa mga salitang paunti-unti tayong sinasakal o pinapatay sa sakit. Kasi hindi naman dapat palaging ganito, hindi ba?

Kasi minsan kahit sanayin natin ang sarili natin, may mga pagkakataon na hinihiniling natin na sana — sana kinabukasan magbago na ang lahat at hindi ko na muling maranasan ang umiyak.
Euphrosyne Feb 2020
Hinahanap
Kinakailangan
Ninanais
Bakit ka ba ganyan
Sa tuwing lugmok ako
Nasa tabi mo na agad ako
Wag mo ako sanayin
Kung aalis ka rin naman
Hindi dapat pinapatagal
Kung lalayo rin naman
Kailangan kita
Sa araw araw
Hinahanap kita
Sa araw araw
Gusto kita
Sa araw araw
Umabot na ako
Sa langit para sabihing
Mahal na siguro kita
Kaya huwag kang ganyan
Kung mawawala ka rin naman
Kung pagbabawalan mo rin ako
Kung ipapalayo mo rin ako
Nababaliw na ako
Wag mo akong iwan ng ganito
Hindi ko maadmitihin ito
Kahit ako yung gumusto
Ginusto mo rin naman
Sa bawat tama na nadadama
Pakiramdam ko'y niyayapos mo ako
Mapapatanto nalang ako bigla,
Bakit biglaan ka nalang lumayo
Ginawa mo akong gumon sayo,
Atsaka iiwanan mo ako
Ng mga nakakatakot na alaala
Hindi ko na alam kung paano
makakatakas dito
Subalit ayokong tumakas
Kahit mapanakit ka
Kahit masakit na
Kahit masiraan na ako ng ulo
Kahit mukang hindi ko na kaya
Ikaw parin ang hahanapin ko
Sa araw araw
Dahil gumon na ako sayo.
Huwag kang ganiyan huwag mo naman ako masyadong saktan ginawa mo akong gumon tapos lalayuan mo ako?
Bawat linggo'y may ginaganap na pulong,
Ngunit ang isang ito'y natatanging pulong;
Gitnang Sanlinggo ang karaniwang tawag dito,
Ang bawat isa'y natututo mula rito.

May isang bahagi, kung tawagi'y Paaralang Teokratiko,
Na kung saan, sinasanay ang kakahayan sa pagtuturo;
Isang paaralang inilaan ni Jah para matutong magsalita,
Upang ang lahat ay maging epektibo sa pangangaral ng Mabuting Balita.

Dito itinuro ang mga paraan para tao'y mahalin,
Upang matulungan sila na kay Jehova'y mapalapit din.
Kahit sino ay puede sa paaralang ito,
Basta't kuwalapikado at handang matuto.

Teksto sa Linggong ito'y maingat na suriin,
At Espiritual na Hiyas ay dapat nating hanapin;
Ibahagi sa mga kapatid, ang ating nahukay;
Nang matulungan din sila na magbulay-bulay.

Midweek meeting dinisenyo para sanayin tayo,
Salamat kay Jehova dahil sa probisyong ito;
Lahat tayo ay samasamang sumamba;
Sa Gitnang Sanlinggong pulong  na Siyang nag-organisa.

— The End —