Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ZT Jun 2015
Kung alam ko lang na mamimiss kita nang ganito,
Hindi na sana ako umalis.
Kung alam ko lang na ganito pala kasakit,
Hindi na sana kita binitiwan.
Kung alam ko lang na mahuhulog ako sayo nang ganito ka lalim,
Hindi na sana kita minahal

Pero ang totoo ay,
Alam ko...
Matagal ko nang alam,
Alam na alam ko

Pero..

Alam ko.. Alam ko na mamimiss kita nang labis

Pero.. pero
Kailangan kong umalis at iwan ka,
Kasi alam kong mali.
Mali ang makapiling kita

Alam ko na masasaktan ako nang sobra,
Pero kailangan kitang pakawalan
Dahil.. kailanma'y
hindi ka talaga naging sakin

Alam ko na mahuhulog ako sayo nang napakalalim...
Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sayo

Nagbabakasakali na sana, sana
Possible, maari, baka lang ay
saluin mo ako

Pero
Hindi eh..
Nahulog nga ako pero walang sumalo.

Kasi habang nahuhulog pa ako,
May kayakap ka na palang iba.

At nang bumagsak na ako sa lupa
Ang sakit..
Ang sakit sakit..
Nadurog na ang puso ko, wasak..
Was...Wasak na wasak na at
Nagkalat sa lupa

Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?

Mas masakit
Kasi heto parin ako, hawak-hawak ang durog ko na puso
Naghihintay
Na mahalin mo rin ako...
nasubukan niyo na bang magmahal? umasa? at paasahin lamang?
nasaktan na, nawasak na ang puso.. pero nagmamahal pa rin?
Karl Gerald Saul Sep 2013
Minsan sa buhay natin,
kahit alam natin na tag-araw,
may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw.

Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan,
May ilan naghahanap na punong masisilungan,
ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan,
pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan.

May mga nakahandang armas na payong naman ang iba,
ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa,
na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin,
na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain.

Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak,
may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak,
may mga batang masayang naglalaro habang naliligo,
na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero.

Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao,
Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo.
ang mga patak nito'y sadyang maliliit -
kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit.

Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid,
Saan ka dito sa aking mga nabanggit?
Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan,
Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
Marcilyne Mar 2016
Hindi ka isang pagbibiro dala ng aking ibang katauhan
Sapagkat simula't sapul pa man,
batid kong mararamdaman ko ang ganitong halimuyak.
Nalaman kong awitin ang pinakamalungkot na sonata,
Sumayaw ako sa walang saliw at indayog na musika nang parang baliw sa kalsada.
Higit sa lahat,
nag-agahan,
nananghalian,
nagmeryenda
at naghapunan ako ng luha,
kalungkutan,
pagdadalamhati at pagsisisi.
Ikaw ang dahilan nito,
dahil sa pag-ibig na napagtanto ng hungkag na isipan.

Noong mga panahon,
wala akong pakialam kung bitayin man ako ng sarili kong kahinaan at panglilimos.
Ilang pagkakataon ba ng pagnanakaw ng kasiyahan ang ipinagkasala makasama ka lang?
Hinayaan ko ang sarili na tumalon,
mahulog,
at lumagapak mula sa mataas  na bangin gayong batid kong di mo rin naman ako kayang saluin.
Kasalanan bang magmahal? O, sadyang totoong nagmahal lamang ako tulad mo ring nagmamahal sa kanya?
Buggoals Aug 2015
Ikaw yung tipo ng babae na walang arte
Yung hindi nahihiyang magdala ng kapote
Maliit ka nga, boses nama'y boses lalake
Ang ganda mo. Lalo na't ika'y simple.


Sana tayo'y muling magkita
At muling magkaroon ng isa pang pagkakataon.
Pasensya kana sa sinayang na panahon.
Pero sana'y batid **** mahal na kita.

Sa t'wing ika'y aking nakikita,
Hindi ko maitago ang aking saya.
Hindi mo ba ito pansin sa aking mga mata?
Sabagay, siya pa din kase mahal mo.. diba?

Noon pa'y alam kong talo na ako
Pero sige, ipaglalaban ko ito.
Please lang. Saluin mo ako.
Heto na ko, nahulog na sayo.
Ang gulo ng poem ko hahahahaha

— The End —