Kung di kaya tayo nagkita,
Paano ko mahahanap ang lihim na palasyo ng saya?
Ang alam ko lang musika noon ay namamatay na sigaw galing sa milyong-milyong bangin
Kuntento na sana ako malunod doon
Paulit-ulit...
Hanggang narinig ko ang boses mo na hinalik nang payapa ng isang mitikal na kagubatan sa gitna ng gabi
Hinaluan pa ng bagyo ng rebelyon at init na tamang-tama sa akin
Nakaka-excite ka...
Hinahanap ang iyong tunog sa kahit anong anyo
Sa kahit saang lugar
Naaaliw sa iyong misteryo
Bakit kasi rin ang angas mo noong sa munting sandalian na nag-usap tayo?
Planado ko na ipantay ang ihip ng hangin sa direksiyon mo
Ang tanglaw ng tadhana
Naaabot ko na
I-ikaw din pala?
Gusto mo ipantay ang direksiyon
Hindi pala ako nag-iisa...
Hindi na tayo mag-isa.
Nabunyag ko pa na may tamis na tago sa iyong pigura
Di na kita mabura
Paano ka burahin...
Paano ka ba buburahin?!
Hanggang naintindihan ko na wala nang magpapantay
Hinawakan ka na
Paulit-ulit
Inuulit sa kamay
Sa labi
Sa isip
Napabangungot noong isang gabi na maghiwalay
Luha naman ang nahalay
Wala man "silang" gusto sa ideya natin
Mahihimatay na lang sa tamlay
Ng mga nagtatalampasang emosyon nila na walang malay
Hahawakan ka hanggang di hulihin
Hahalikan ka kahit babagyuhin
Walang kahulugan ang pagpigil ng damdamin
Unang-una ko itong pag-iibigan
Akala ko hindi ko maiiwasan ang kasaysayan ng dugo ko na puro sa maling tao napunta ang pagmamahalan
Akala ko wala nang mag-aalaga sa sirang tao na katulad ko
Napaka-haba ng iyong pasensya
Kasi ako wala na talagang pasensya sa sarili ko
Ang presko nang may nagtatanggap sa aking konsensiya
Na walang kapalit na hinihintay
Na walang sampal na hinihintay
Dami dami mo nang ginagawa pero
Wala ka talagang kailangan gawin
Para pasayahin ako
Mamasdan ka lang
Kasi hindi kita papakawalan
Pumantay ang linya
Pumantay ang oras
Pumantay ang agos
Pumantay ang dagat
Sa iyo na ako lulunod magpakailanman
Sa bilang ng isa,
Dalawa,
Tatlo.