Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jeremiah Ramos Aug 2016
Ang posporo ay isang entabladong ginawa para masira,
Para magbigay ng panandaliang liwanag,
Para sayawan at indakan ng apoy,
At sa huli,
Lilisanin din ito,
Iiwan ang sunog at durog na entabladong isang beses niya lang sinayawan.

Tayo ay dalawang taong ginawa at itinakda ng tadhana para maintindihan natin ang pag-ibig,
Ginawa tayo para masira at maging buo muli,
Para sumayaw at umindak sa bawat kantang maririnig natin sa radyo,
Pinilas at tinapon natin ang huling yugto sa storya natin.
At lahat ng 'to,
ay isang posporong nasindihan na at nadurog,
nagngangalang sana

Eto ang posporong nagngangalang tayo
Sinindihan ito ng tadhana,
Nagliyab tayong dalawa sa kabila ng gabing malamig
Hindi nawala ang indayog ng apoy na pilit hinihipan ng hangin,
Patuloy na nagliliyab, kinakain ang kabuoan ng posporo
Hanggang sa nawala,
Hanggang sa napagtanto ko na ako pala ang posporong sinayawan mo.

Ako ang posporong hangarin ang masayawan ng apoy **** mapangsindak,
At ayaw maubos ng iyong liyab,
Ako ang entabladong pwede **** sayawan nang walang hanggan,
Sana'y hindi ka umalis nang natapos pa lamang ang isang kanta,
Ngunit
Nawala ka
Umalis,
Iniwan ang sunog at durog kong entablado

Ikaw ang apoy na pumuno at umubos sa akin,
Ako ang posporong nagsisilbing patunay ng ating munting sandali
Pinilit kong hanapin muli ang alab mo,
Ngunit napagtanto
Aanhin mo pa ang nasindihan na posporo?

Hanggang ngayon,
Hindi ko pa rin mawari na sa buong akala ko
Sabay nating pinilas ang huling yugto ng storyang sinulat natin,
Ngunit pagkatapos ng lahat,
Tinago mo pala 'to at idinikit muli sa kwento nating dalawa.
Zen billena Aug 2020
siyam na letra ang "mahal kita"
dalawang salita na di ko makakaila.
hindi man ako bihasa, sa mga matalinhagang salita.
nais ko lamang ipadama dito sa maiksing tula.

gusto ko ilahad ang hindi mapaliwanag
nais nang matapos ang paghihirap.
magiipon ng lakas, kahit pwede ito ang maging wakas.
pipiliin sumugal at ang puso'y itaya.
hindi mo man maibalik ang mga salita.

oras at sandali ay akin pang naalala
nung buong loob sinambit na "mahal kita"
balintataw saking mata agad nadama.
nung sinabi mo saaking "pasensya kana".

para akong pinilas na pahina
sa libro na ikaw ang may akda
mga mata'y di na nag tagpo
ngiti mo saakin biglang nag laho.

masakit pala.. kahit pa handa ka
pero ang sabi nga ng iba
kung  mahal mo sabihin mo
panalo ka man o talo.
mica Feb 2018
Halika't samahan mo ko
Sa pagbalik sa nakaraan
Kung saan ikaw pa ay aking gusto
At ako ay iyong kaibigan

Nang makita kita
Ako'y namangha
Sa iyong talentong ipinakita
Sa buong eskwela

Di ko aakalain
Na ika'y gugustuhin
At ang panahon ay palipasin
Nangangarap na ika'y mapasaakin

Ngunit heto na tayo
Sa kahuli-hulihang pahina
Ng ating kwento
At ng ating pagkikita

Oo, hindi na kita gusto
Sapagkat ang paglipas ng oras
ay masyado kong sineryoso
at ang pahina ng aking mga damdamin at dahan-dahan kong pinilas

Ngunit, bakit?
Bakit kung kailan ilang buwan nalang?
Bakit kung kailan nasa huli nang hakbang?
Bakit kung kailan ika'y maglalaho na?
Bakit kung kailan huli na?
Bakit?

Kailangan pa ba na ako ang umamin ng hindi kayang aminin?
Kailangan pa ba na ako ang lumapit upang masabi ang gustong sabihin?
Kailangan pa ba na ako ang magsimula ng gusto **** simulan?
Kailangan pa ba na ako ang gumawa ng paraan para sa'yo?
Sa tingin ko, hindi ko na kailangan

Pasensya na
Sapagkat huli na ang lahat
Ako'y nakadaan na sa iyong pinagdadaanan ngayon
Ngunit hindi tayo nagtagpo

Pasensya na,
Dahil huli na ang lahat.

Hindi na kita kailangan.

— The End —