Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aL Jan 2019
Natapos na uli ang ulap na makulimlim
Nariyan na ang init kasunod ay magandang takipsilim

Nagbabagang araw na pumaparoon na sa kanyang pagtago
Ang ganda ng iyong ilaw ay pagmamasdan ko
M.U
Saksi ako sa bawat tingin.
Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin.
Saksi ako sayo at sa kanya.
Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata.
Saksi ako sa lihim na pagsulyap.
Saksi ako sa labis na pagiingat.
Saksi ako sa lahat.
Pero ako, nasaksihan mo ba ako?
Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ?
Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito?
Nasaksihan mo ba?
Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina,
Ang paghikbi ko gamit ang musika,
Ang sakit? Nasaksihan mo ba?
Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako?
Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo?
Nasaksihan mo ba?
Ang pag-asam kong sana,
Sana ako nalang siya.
Sana ako nalang...
Sana ako..
Sana...
Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana?
Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"?
Ang paniniwala kong baka ikaw...
Ikaw na tama at ikaw na Mali,
Ikaw na oo at ikaw na hindi,
Ikaw na meron at ikaw na wala..
Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na.
Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo?
Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo?
Paano nga ba?
Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating?
Kakayanin ko pa kaya?
Kakayanin ko pa..
Kakayanin ko..
Kakayanin..

M.U (Mag-isang Umiibig)
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
Louise Sep 29
Kasabay ng iyong pagpikit
ay ang imbay ng aking katawan,
pag-alon ng mga balikat at pagkibit.
Kasabay ng iyong pagtalikod
ay akma akong aapak at papalakpak,
dahan-dahang papalapit sa entablado.
Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin
ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin,
pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid.
Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo,
ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot
sa wari’y hindi mo masagot na tanong.
At kasabay ng pagsasara nitong kurtina,
ay ang paghinto sa pagpatak ng luha
at ang ating maligayang paglaya.
At kasabay ng pagdidilim nitong entablado
ay ang kaliwanagan na di nahanap sa’yo
at ang aking pagsuko para sa teatro.
At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan
ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan
at pagsalubong sa sarswela na naman.
Princesa Ligera Nov 2019
Sa likod ng mga tawa at ngiti kong to,
Hindi nyo alam ang lungkot na tinatago ko.
Nagpapanggap sa abot ng aking makakaya,
Pero kelan nga ba ko makakalaya? Makakalaya sa pagpapanggap na to, At mapakita ang totoong ako.
Baka isang araw magulat kayo,
Kapag ako ay lumayo.
Gusto ng huminto,
Sa aking matinding pagtago.
Ngunit pag ako'y tuluyan ng bumitaw, Asahan nyo ang aking luhang umaapaw.
Hindi na kaya ang bigat na dala, Siguro oras na para magpahinga.

— The End —