Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jose Remillan Sep 2013
Ang pagpapakahulugan mo sa
kahulugan na animo'y unos ng
kataga, sukat, at tugma, ay

sapat nang saplot sa hubad na

siniphayong talinghaga ng isipan
at libingan. "Namnamin mo ang
damdamin ng Wika," ang wika ng

mangingibig na makata.
For my teacher and inspiration, Dr. ROLANDO A. BERNALES.
Read his works and be inspired: http://www.rabernalesliterature.com/

Quezon City, Philippines
September 30, 2013
Luna Jul 2019
Konti nalang bibigay na
Kaya kailangang lumayo na
Pagka’t hindi nais maging pangalawa
Sa puso **** pagmamay-ari na ng iba

Sa pagpaparamdam **** ako’y mahalaga
Nabigyan ko ng maling pagpapakahulugan pala
Inaamin ko, ako ang may sala
Pagka’t ako ay umaasa sa wala

Ako ay didistansiya na
Dahil ayokong maramdaman niya
Ang aking naramdaman sa nauna
Na iwan at pagtaksilan dahil may iba na

Hindi na muna magbabasa
Ng mga librong hilig nating binabasa
Pagka’t ang mga dahon ay nagpapaalala
Na minsan ang hilig nati’y iisa

Pipikit nadin muna tuwing titingala
Upang hindi masaksihan ang mga tala
Pagka’t ang buwan din ay iyong paborito
Dahil sabi mo napakakalma ka ng mga ito

Lahat ng ito’y aking gagawin
Hindi para sa iyo kundi para sa akin
Dahil karapat-dapat akong mahalin
Ng taong buong-buo ay akin.

— The End —