Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nasurpresa" poems
Tatlong katok lang ang layo ng katahimikan "wala dito, kanina pa umalis mama ko" utos sa anak na walong taong gulang habang nagtatago sa palikuran "sabihin mo sa mama mo, na nagbigay ako ng ulam" "salamat po ninang!" "walang anuman", bago siya lumisan. tatlong katok lang ang layo ng katahimikan "wala dito, kanina pa umalis mama ko" utos sa anak na walong taong gulang habang nagtatago sa palikuran napakamot na lang ang naniningil ng utang gigil na nagpaandar ng motor sapagkat siya'y nagulangan tatlong katok lang ang layo ng katahimikan sa pagkatok, tanong ay "tao po?" sagot ay "tao po" biglaan ang pagka gulantang "anak, dali! magtago ka doon sa palikuran" alam na niya kung sino ang dumating takot ang bumalot sa kapaligiran namumugtong na mga mata at nginig na mga kamay na parehas kumakaliwa bakas ang kaba sa mukha at tatlong katok lang ang layo ng katahimikan ang pinto'y hindi binubuksan nabasag ang katahimikan kasabay ng pagbagsak ng sirang pintuan nasurpresa sa kanyang mga bisita nangingilid na ang luha bigay todo ang pagmamakaawa isa dalawa tatlo, hanggang anim anim na nakaunipormeng magsasaka hindi palay ang itinatanim, kundi bala kasabay ng panlalamig ng katawan ang ingay ay nilamon bigla ng katahimikan at kasabay ng katahimikan ang kanyang ina ay binawian ng buhay...
0
Sep 22, 2018
Sep 22, 2018 at 1:54 PM UTC
tok tok tok!
daming alam// habang sinusulat, nakaupo sa sofa sa sala, nag iisip. bakit ganun? sya pa rin? ewan, palitan natin. bakit nga ako nagsusulat? san ba to nag simula? siya kasi // siya nanaman. makwento ko lang sa inyo ang pinagdaanan ko noong isang taon at pitong buwang nakalipas. ayos lang naman sana ako. masyadong makulit, mapagbiro, maingay. pero seryoso. // di man halata pero, oo... kahit papaano. siya naman, masyadong madilim, yung tipong pag sa anime, siya yung si senpai na di ka mapapansin kasi tahimik lang siya at gusto nya palaging mag isa... pero gusto lang nya sana ng tamang taong makakasama. doon ako pumasok sa buhay nya, dun ko ginulo ang mundong hindi ko sinasadyang wasakin. kung dati rati'y screamo at ******** lang na musika ang bumabalot sa kanya, nadagdagan yun ng matinding impact ng bunganga ko at malakas na halakhak. kung dati rati'y mas matipid pa sya sa intsik ngumiti, nakikita mo na syang humahalakhak na parang walang bukas... **** that smile. ACHIEVEMENT UNLOCKED. di nagtagal, di na pinatagal at nagtagal naging tayo. Ang saya, ang lungkot, nagagalit ako, ikaw, naaawa, nasurpresa, nasaktan, bumalik sa dating tayo... strangers. na parang di lang nating namalayang naging tayo pala? // tama na. malulungkot nanaman tayo nang wala sa oras. wala nang oras para malungkot. dahil kahit anong pilit mo, di na mababalik yung oras. kung saan, naglalakad lang tayo sa daan, tawa nang tawa, napapaluha na sa.... CTRL + A + Delete
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 9:46 AM UTC
Gusto ko sanang mag kwento