Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
073115

Ang pagpara'y naging daan
Hindi alintana ang trapik
Kumukutitap ang asul
Patungong berde ng panimula.

Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim
Medyo napasilip, kahit saglit
Biglang nautal ang pag-iisip
Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito.

Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko
Baka ang bukas ay maging ngayon,
Yan ang isip ko.

Panandalian akong napatingin
Medyo kumakapit sa bakal,
Ibababa ko ang mga kamay
Sabay paulit-ulit lang,
Pagkat nakakangalay.

Kaya pala ang bagal nang takbo mo
Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin
Hindi ka man lang lumingon
Hindi ka man lang napatingin
Kahit distansya nati'y
Segundo lang ang milya
Ganoon tumibok ang oras.

Napapikit ako
Nagulat pagkat tama ang akala
Hindi nais na ganoon ang pagkikita
Akala ko kasi'y lumisan ka na
Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik
Pero haharurot sa kalsada,
Naghahari-harian sa eksena.

Hindi ako galit sa tadhana
Na naglalapit sa atin sa isa't isa
Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na
Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada.

Napakapit ako sa bilis ng takbo
Ang pusong walang tibok,
Walang mintis kung sinusubok
Nangangalay ang pagtitiis
Ang hirap pala ng posisyon ko,
Tinatalikuran, dinaraanan lang
Nilalagpasan lang,
Nauusukan, nasasaktan
Ayoko na lang sa backride.

"Para na, Kuya."
Akvpoems Sep 2019
Sa lahat-lahat ng taong narito
Bakit sayo pa tumigil ang mundo
ko
Isang tingin, ako'y 'yong
napansin
Sa'yong titig ako'y napakapit
Pakiramdam ko'y parang nasa
langit
Ngiti mo'y pagkatamis-tamis
Tila bang daig pa ang tsokalate
Mga mata'y mapupungay at
malambing
Labi mo'y simpula ng mga rosas
Tila rin bang sinlambot ng bulak
Kay sarap titigan ang mala-
anghel **** mukha
Daig pa ang droga, tunay na
kahuhumalingan
Di ko alam bakit ganito ang
aking nadarama
Sa ating unang pagkikita
Ako sayo'y nabihag na
#crush
leeannejjang Nov 2017
Antagal ko nag-antay sa iyo pagdating.

Mainit.
Maingay.
Masikip.

Sa bawat hakbang palapit
Ako’y napapaismid.

Kasya ba at kaya?
O kasaya at di na kaya?

Unti unti.
Eto na, eto na.
Papasok na ako.
Toooot-toot!

Bigla nag-sara ang pinto.
Ako’y umatras at napahinto.
Tiningnan kitang umalis.

Isa, dalawa, tatlo.
Umabot ng tatlumpung minuto.
Wala ka pa din.

Naiinip.
Naiinis.
Nagagalit.

Bakit ang tagal mo bumalik?
Nakita kita, ako’y napakapit sa bag na dala.
Inihanda ang sarili

Bumukas.
Lumabas.
Tinulak.
Pasok!

Sa wakas ako’y nakapasok
Sa loob ng bagon.
Ngunit kinaya man,
Ako’y yari na sa akin amo.
Pagkat ako’y nahuli na
Naman sa amin pagtitipon.

Napakamot.
Napayuko.
Napamura.
Araw araw na pagsubok na mga pinoy na ngMrt pagpasok

— The End —