Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naninigas" poems
#110315 May iilang mag-aalok sa kanya Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga. May iilang pipila't iigib, Pero pagod na siya sa pagbibigay, Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay. Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod, Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig. Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya, Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw. Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan? At siya mismo ang daan Para umagos ang buhay mula sa lalamunan. Siya'y luha ng kalangitan, Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan. Natural lang na bumagsak siya, At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba. Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari. Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan. Binubugahan ng kung anu-anong kemikal At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan. Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay, Tagapangalaga ng kanyang sakop. Minsa'y tatapunan ng dumi, Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya. Pagkat yayakain niya ang iilan, Aakayin at magiging palutang-lutang Hanggang sa maging saksi ang kalangitan. Ang iba nama'y papatawarin niya't Itutungo na lang sa kanyang kalaliman, Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan. Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin. Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan. Sinasadya siyang limutin at kaligtain, Pagkat lagi naman siyang nariyan Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin. Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw, Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay. Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
0
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 6:00 AM UTC
Tubig

Continue reading...
41
ilang beses ko nga ba sasabihin na hindi ko na kaya, oo tama ka sa narinig **** sinambit ko mismo, tama na, kasi ayoko na. tama na ang mga patay na oras na pilit **** kinukuha hindi namumuhay ni gumagalaw naroon lang, tulala't naninigas na. wala ng ibang iniisip kundi paano, paano hindi sa pagkakasyahin kundi paano uubusin ang lubos - na oras na kailangang punan. tama na kasi mahirap gumawa ng wala at magpanggap na meron kang pinagkakaabalahan at lokohin ang sarili **** bayad ang oras. Nilalason nito paunti-unti, ang bisyo ng lantay na katawan at tiwangwang na utak. kaya pakiusap, tama na.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 5:52 AM UTC
Tigang sa Trabaho
Ang haplos ay malamig di man naninigas nanatili walang kibo Sa paghagok ay naninibago -walang malay parang nag-iidlip Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos -magbigay pugay Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti Ginto at pilak, walang katumbas Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan Parirala ng buhay ay papintig-pintig sa ibang dimensyon na ng daigdig Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay Sa kuko matatanto habang nakaratay Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan Maraming kakaibiganin maging sinuman Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad Pagbubuklodin ng pagsinta Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi Paalalang ipirmi, di iwaksi Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 6:20 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #10
pa'no ako gagalaw ni hindi halos makahinga? Buong katawan ko'y balisa't naninigas na. kaninong anino itong humahabol? pakay sa akin hindi malaman. paulit-ulit iisang tagpo walang pagkasawa. kailan kaya hihinto, didilat pa ba?
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 11:29 AM UTC
Bangungot