Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan
na ngayon ay naniningil
Hindi umiimik ito sa pagdaloy
Kahit sa linaw ay nagpalahaw

Tahakin ang landas ng pagkapoot
Ituring kaaway ang kinabukasan
Ang saplot ng nakalipas ay isuot
Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos

Birheng rosas ay huwag pitasin
Sa matutulis na tinik nito'y alamin
Na ang kaakit-akit sa plorera ay
ito rin ang mabagsik

Ang nalalantang talulot
Matamlay na tangkay ay namamaluktot
Ang ligaya ay sa isang bahagi lang
Nilalamon ng kalumbayan

Sa ikatlo ng buwan
Gasuklay na hugis ay kakaiba
Habang ang kanluran na binabagtas
ay may alay na pansamantalang kaginhawaan

Itawag sa mga buwitre
ang Kasukdulan, Pamamaalam
Walang hangin sa baga
nilubos-lubos pa
Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan

Kukuyugin ng uod
Lalasapin nang pagkalugod
Tatabunan ng lupa
magsilbing pataba nang dadalawin
minsan ng mga bulaklak
kingjay Sep 2019
Kung oras ay magwawakas
Sa langit ang hihintin
Saranggola ay dadalhin
Na yari sa buntunan ng paninimdim

Sapagkat ang landas
Ay piniling tinahak
Wala man harang ngunit dulot ay sakit
Pagtitiis ng kirot ay sinapit

Sana'y maging panaginip ang katapusan
At matutupad ang pahimakas
Tulad ng hangaring sibat
Tumusok sa tudlaan

Ang Amihan ang maglalagay
sa himlayan ng hangin
Di na pumailanlang sapagkat malamig
ng samyo ng nalalantang pag-irog

Sa gunamgunam ay binabalik balikan
ang sandali nang unang pagtubo ng bulaklak
Sapantaha'y mabibigo rin naman
Pananabik nang marubdob ay
nasawata nang biglaan
Raindrop Jan 2021
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan
Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso
Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago
Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin?
Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog
Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala
Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre
Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan
Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre
Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal
‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa?
Disyembre, alam kong pagod ka na
Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta
Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod
At nang ating salubungin ang bagong taon,
ako nga'y tuluyan **** binitawan
Hindi na sinuyo, wala ng paramdam

Masyadong mabilis ang mga pangyayari
‘Di malaman kung saan gusto bumalik—
noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto
upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman
o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali
Hindi naman inaakala na ganito magtatapos
noong tayo'y magkalapit noong Abril
Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon?

Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo
Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay
Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan
i'm right
where you left me
Donward Bughaw Apr 2019
Hindi mo namalayan,
nagiging abo
na pala ang iyong buhok
na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang
ngayo'y unti-unti ng nanlalabo;
at sa dati makinis na balat
umusli ang buto
at ugat
na tila nalalantang katawan
ng kapayas.
Donward Bughaw Apr 2019
Hindi mo namalayan,
nagiging abo
na pala ang iyong buhok
na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang
ngayo'y unti-unti ng nanlalabo;
at sa dati makinis na balat
umusli ang buto
at ugat
na tila nalalantang katawan
ng kapayas.
Sa paglipas ng panahon, hindi natin namamalayang tumatanda tayo.

— The End —