Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakilalang" poems
Ako'y nagsusulat ng librong lahat ay patungkol sa kasakitan Mga pinagdaanang puro kapaitan Mga alaalang pilit mang kalimutan Hindi magawa gawa dahil nakatatak na sa aking kaisipan Kaya naisipang isulat nalang at gawing topiko Mga karanasang balak gawing libro Bawat kabanata sa buhay kong hindi ko alam kung wasto Ngunit lahat ng ito'y isusulat ko Sinusubukang ibahin ang bawat kabanata Ngunit tila lahat ng ito'y kusang naitugma Mga pangyayari sa'king buhay na gustong iwasto Sana balang araw ito ay maitama ko Ngunit isang araw kapalaran ko ay tila nagbago May nakilalang tao na dahil sakanya ay gusto kong magbago Kadiliman sa aking isipan na kanyang binigyang ilaw Buhay ko'y kanyang binigyan ulit ng saysay at linaw Bagong kabanatang sana'y kasama ka Librong sinusulat dahil sayo ay nag-iba Mga kabanatang nagdaang kay pait Kasiyahan kasama ka ay gustong ipalit Bagong kabanatang gusto kang makasama hanggang sa pagtanda Makalimutan man ang librong naisulat na Hinding hindi ang rason kung bakit nagbago ang paksa Ngayon, ikaw lang ang gustong makasama sa lahat ng bagong kabanata na aking isusulat pa.
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:12 AM UTC
Bagong kabanata
Hindi ako magsisinungaling, marami na akong nakilalang kagaya mo. Kaya laging nagtatanong mga kaibigan ko, "ano ba espesyal sa taong 'to?" Hindi ko rin masagot. Ano nga bang meron sa'yo? Saan ba ko nahulog, Sa mga ngiti **** di ko malimutan, sa kamay **** hirap akong bitawan, o sa boses **** araw-araw kong gusto marinig? Sa'yo. Sa'yo mismo, ikaw ang sagot. Ikaw ang sagot sa mga tanong ko. ngunit mananatili na lang na kulang kulang at may patlang ang pag-ibig na ito. Itinadhana tayong magkakilala ngunit hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Pero baka bukas, magbago ang mga bagay bagay. Baka bukas, mag-iba ang ihip ng hangin. sana na bukas, pag mulat ng aking mga mata katabi ka na. sana bukas, pag mulat ng aking mga mata, akin ka na. dumaan ang ilang bukas, may mahal ka nang iba.
0
Jun 5, 2018
Jun 5, 2018 at 1:29 PM UTC
Sana bukas
Meron akong nakilalang babae Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi Siya ay hindi maipagkailang kakaiba Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe Yan sa ngayon ay hindi na importante Marinig ko lang ang boses mo na kay tining Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga Sa pagtingin ko ay walang magbabago Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto Kaya ikaw ay huwag matakot Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka Lalo na kapag ako ang may likha
0
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Estranghera
Mahusay na napagtagumpayan ang Tagapagtanggol na kurso Magaling na tagapagtanggol, sundalo at senador Nagtayo at nagtaguyod ng mga dakilang proyekto Napahaba serbisyo, nakilalang diktador. -12/25/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:29 PM UTC
Kilabot ng Makapangyarihan (Ferdinand Marcos)
Masaya pa tayo noon diba? Masaya tayong magkakasama. Nagsumpaan na walang iwanan, Ngunit sa huli ako'y inyong iniwan. Okay naman tayo dati kahit magkalayo tayo, Pero oras nyo na nga lang hinihingi ko, Di nyo pa mabigay ng husto. Naghanap ng mga bago, Pero di sila kagaya nyo. Walang maipalit sainyo, Pagkat kayo lang ang nakilalang totoo. Naging malungkot buhay ko, Kase wala na kayo. Sana'y maisip nyo, Ang nasayang na pagkakaibigan na to. Kayo'y pinapatawad ko, Pero asahan nyo ang aking pagbabago.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:25 AM UTC
Pagkakaibigan