Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Michael Joseph Nov 2018
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw
nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw
mga lalamunang di nadadaluyan
hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig
sa daloy ng awit ng mga Ipil
at sa mga aalalang nabuo
sa bawat paglagok, sa bawat isa
mga alaalang nabuo sa tag-araw.

alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon
minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog
ng tag-araw at tag-ulan
panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw
pinagdarasal ng mga kahapon
di pa rin nalilimot,
mga tuyong ugat ng mga pusong sawi
sa pag-ibig na tubig sa tag-init
minsan lang magkaniig

dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito
bumuo ng mga alaaalang impit na itinago
sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso,
sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit
sa bawat pag-ihip ng hanging mainit
sa katawang binalot ng mga sala
at sa bawat pagbabalik sa alaala
ikaw pa rin ang tanging nakikita
sa bawat paglampas ng liwanag
sa maririkit na butas ng kahapong
sa ilalim ng ipil nakatago

Heto na naman ang tag-init
hudyat ay muling pag-udyok
sa uhaw na pusong may pangangailangan
tuyot ang daloy sa bawat paghinga
sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos
bawat hagod ay paos.


Alaala ka sa mga sinag ng araw
umaalpas sa mga dahon ng ipil
mga hapong napawi ang init ng tag-araw
nakakulong pa rin sa mga alaala
sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal
sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa

sa ilalim ng mga Ipil
maghihintay sayo

Sa Ilalim ng mga Ipil
Michael Joseph Aguilar Tapit

04/11/2016
George Andres Jan 2017
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?

sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.

kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti

ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.

kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.

ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon

sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo

kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?

ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?

kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?

kailan ba nabuhay ang isang eskribo?

sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.

mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya

nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
PoemsFor....
1916
Miss Emma Writes Jul 2019
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to,
Marahil matagal tayong di nagkatagpo,
Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito,
Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maingay na lansangan,
Mga taong nagsisigawan,
Sobrang gulo ng kapaligiran,
Pero ako patuloy na blangko ang isipan.

Mahal, hintayin mo ko,
sandali na lang to,
huwag ka munang umalis,
sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis.

Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo,
Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko?
Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko,
Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo.

Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako,
Isa... dalawa...
dalawa...
Pero teka...
Bakit parang hindi ka masaya?
Bakit parang nadismaya ka pa?

Sa puntong yun hindi ko talaga alam.

gutom.
pagod.
uhaw.

Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw,
Pero mahal... ayoko pang umayaw,
Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw.

At habang papalapit na ako,
Mas naaninag ko na ang mukha mo,
Tama nga ako,
Hindi ka nga masaya sa pagdating ko.

Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad...

Hindi ko alam kung anong unang babagsak,
Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak.

Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko,
Hindi ko na alam ang gagawin ko,
Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko,
Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko.

Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman."

Kaya nung niyayakap mo ko,
Alam mo kung ano naramdaman ko?
Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko?
Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito.

At sa pagkakayakap mo,
Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo,
Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to,
Kaya napatigil at napaisip ako,
Bakit nga ba ako kumapit sayo?

Kasi... Mahal kita.

Mahal Kita.

sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo,
sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko,
sa kung paano mo napapasaya ang araw ko,
sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao.

Mahal kita.

At sa tuwing kausap kita,
Ngiti sa mukha ay hindi maipinta,
Marahil ang boses mo ay parang musika,
Kaya't puso'y laging naaalala ka.

Lilipas ang mga araw at buwan,
Tayo ay magkakatampuhan,
Mga tao'y magsisilisan,
Pero ako, dito lang ako di kita iiwan

At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli,
Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti,
Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali,
Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli?



12/27/18
ps. It was made for my one great love, but we broke up.
Michael Joseph Nov 2019
sa isang minsan
naglaro ang tadhana,
pinagtagpo ang mga mata
ng dalawang uhaw sa kahulugan

sa isang minsan
nagsimula ang tagu-taguan,
mga salitang walang kahulugang
sinasambit ng mga labing mapagpanggap,

sa isang minsan
nagdikit ang mga labi,
pilit itinago ang init na nadama
ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi

sa isang minsan
maipapakita natin sa lahat
na nandito tayo para sa isa’t-isa
at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga

sa isang minsan,
kailangan nating maniwala
sa pagdating ng oras at tadhana,
magkasamang lalaya,
sa isang minsan

masasambit rin natin ang ating pagsinta,
sa isang sulyap na walang takot,
walang alinlangan,
sa isang minsan

ang minsan ay magiging walang hanggan,
panghabang-buhay, kahit saan,
kahit kailan, kahit anong oras
sa isang minsan

darating rin na magtutugma ang tadhana
kaya’t makontento muna tayo
sa mga nakaw na sandali,
sa isang minsan

magtatagpo ang ating mga mata at ngiti
kahit na walang kahulugan,
kahit na tayo’y  nasasaktan,
sa isang minsan

tayo ay nagkatagpo at nagmahalan,
kahit alam nating tayo ay sawi,
sa pag-ibig nating
tulad ng ulan
sa isang minsan
Ito nakagawa na rin ng legit na ngayong taon ko nagawa, ang hirap maghanap ng poetic inspiration, pero heto buhay na uli. Tag-ulan eh.
Hanzou Jul 2019
Sa pagitan ng isang salamin kami'y unang nagkatagpo
Tila walang ibang nakikita habang tanaw siya sa malayo
Kaunting hakbang nalang ay patungo na ako
Ngunit napuno ng kaba at hiya, sapagkat unang beses ito.

Isang binibining marilag at may kaayusan
Na ang kaniyang kaanyuan ay kapita-pitagan
Malumanay niya akong tinungo at nilapitan
Na para bang kami ay mag-uusap ng masinsinan

Lumipas ang bawat sandali na kami ay magkasama
Habang dahan-dahang inilapat ang kamay sa kaniyang palad
Nilibot ang paligid, tanging siya lang ang nakikita
Mahinay ang takbo ng oras, na sa layo ng nilakbay ay parang nagpapahinga

Malapit na matapos ang panandaliang pagsasama
Habang ako'y pilit na tinalunton ang bawat hakbang niya
Dumating ang pagkakataong magpapaalam na
Lunos ang biglang nadama, sapagkat iyon ay una.

Sa larawan na aming kinuhanan nang kami ay magkasama
Ika-pitompu't anim na araw ng tatlong daan at animnapu't lima
Siya ay aking nakausap, nakasama, at nakita
Subalit hindi nasabihan ng isang mahalagang salita

Sa nag-iisang larawan na pilit kong iniingatan
Bumalik kami sa dati na sa telepono'y nag-uusap na lamang
Kung may pagkakataon ay agad siyang pupuntahan
At sa pagkakataong iyon, ay mahigpit siyang hahagkan

Sa isang imahe ng larawan na aking itinatangis
Nag-iisang larawan na lubos kong ninanais
Subalit sa kasalukuyan ako'y patuloy na nagahis
Sapagkat ang imaheng iyon ay imaheng puno ng hinagpis

Hinagpis sa una naming pagkikita
Sa matagal na paghihintay ay muli ng nagkasama
Handa akong maghintay at maglakbay ng ilang milya
Mangyari lamang ulit ang matagal ko ng adhika.
Siguro nga tayo ay napaglaruan ng tadhana

Dalawang tao na nagkatagpo ngunit hindi para sa isa't isa

Hanggang kailan ko ba sasabihin sa sarili kong " Tama na"

Kung wala nang natitira pang pag asa

Hilingin ko man sa bathala na tayo'y muling magkita

Ngunit ang buong daigdig ay tutol sa ating dalawa

Kaya anong saysay ng pagluha at paglaban pa

Kung ang buong mundo ay sumuko na sa ating dalawa


Sa tuwing sasakay ako ng tren ikaw ang sasagi sa isipan ko

Sa bawat buhos ng tao hinihiling na ang pares ng mga mata mo ang matatagpuan ko

Ngunit kahit anong dasal at daing pa ang sambitin

Tila ba ito ay bitin at mananatiling kulang parin

Oo nga, tayo ay tinalikuran na ng buong mundo

kaya ang natitirang pinanghahawakan ko ay ang bakas at ang alaala mo



//iana
MarieDee Feb 2020
Bakit ba tayo nagkaganito?
Sana'y di na lang tayo nagkatagpo
Kung ganito lang ang mangyayari
Sa tingin mo ikaw'y aking inaglahi
Kung noon tayo ay nagkakasundo
Bakit ngayo'y tila nagbago?
Alam kong pag-ibig mo'y naging sapat
Ngunit ako sa iyo'y di nararapat
Alam kong ikaw'y aking nasaktan
Na ang turing ko sa iyo'y kaibigan lamang
Alam kong ikaw'y umasa
Na ang pag-ibig ko'y iyong makuha
Bakit ba nagawa ito sa iyo?
At ngayon ikaw'y nagtatampo
Ang iwanan mo ay napakasakit
tanong sa sarili'y "BAKIT??"
shy soriano Apr 2019
Ang araw ay lumipas na nagkatagpo tayo ng
kanya-kanyang taong mag papasaya sa atin. Ngunit ang ala-ala ng atin nakaraan ay lagi bumabalik sa tuwing nakakakita ng mga bagay na nag papaala-ala sayo ala-ala noon ay nababalikan. Bakit ganoon ? alam ko sa sarili ko na wala na akong na raramdaman ngunit ang mga pangarap at pinag samahan atin andyan parin buhay sa akin isipan. Paano ako mag sisimula kung ang ala-ala mo'y ako! parin ang ginagambala.
#pangarap #pinagsamahan #inpirasyon #kasawian
Minsan sa kasaysayan
Ang Silangan, ang Kanluran
Ay nagkasagupaan.

Sa tanghalang kamao
Sila’y nagkatagpo
Walang takbuhan dito.

Pambato ng Silangan
Praktisadong si Pacman
Walang inuurungan.

Kayraming Mehikano
Napatumba na nito
Hinamon pa ng Britano.

Ang Perlas ng Silangan
Hindi tinalikuran
Paghamok ng Kanluran.

Tila isang milagro
Two Rounds tapos ang laro
Pilipino nanalo.

-05/03/2009
*for Pacquiao fight against a British
My Poem No. 33

— The End —