Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mumulat" poems
tanda mo pa ba ang araw araw na tayo ay magkasama At nag sisimula palang sa umpisa Yun yung araw na sa akin ay nagpasaya yun ung araw na binigyan moko ng isang halik di ko makakalimutan sa aking paglaki Tanda mo ba ung araw na pinunasan ko ang mga luha sa iyong mata At sinabi mo sakin na ayaw mo na di kita iniwan dahil mahal kita sinabi ko sayo nun na sa bawat araw na dadaan Di ko na kakalimutan ang nagdaan at ipag papatuloy natin ang pagmamahalan ang sakit man isipin alam ko na di kana babalik sa dati Kung pano tayo nangako sa isat isa na walang babaguhin Tinanong ko ang sarili san nga ba ako nagkamali san ba ako o pano bako nag kulang sa bawat sandali binalikan ko ang nakaraan Ngunit nakita ko lamang ang mga aalaala na masasaya na kapiling ka Akala ko maalala ko lamang ang mga pag aaway natin at di pag kakaunawaan sa ganitong sandali Nagkamali pala ako maalala ko lang mga panahon na saakin ka masaya unti unti ako dinudurog ng mga alaala Na ikaw ang kasama pinipilit kong tanggalin ang mga nakaraan sa akin puso Pero ang sakit pala Isang araw mumulat ako na magaling nako Na alam kong handa na ko Gumawa ulit ng isang alaala Napatwad kana sa muli nating pag kikita alam kong masaya kana at masaya na din ako sa iba kung magkaroon ulit ng pagmamahalan hindi ko na uulitin itama ang lahat para sakin sapat na ang aking nagawa na kalimutan ang mga sandaling kasama ka dahil isa na lamang tong pahina ng libro na hindi na ulit pdeng itama pa at higit sa lahat di pdeng gayahin ng iba
0
Oct 30, 2016
Oct 30, 2016 at 6:01 AM UTC
masakit na alaala

Continue reading...
35
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Naaalala kaya niya ako Sa tuwing maaamoy ang pabangong paborito ko Sa tuwing hahalo ang amoy ng sigarilyo sa kamay Sa tuwing sisimoy ang hangin papunta sa kanya, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing maririnig ang dating awitin Sa tuwing tatama ang mga lirikong dating para sa akin Sa tuwing ang kanyang mundo ay napapaloob sa isang kanta, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing dadapo ang inspirasyon Sa tuwing hahanapin ng kamay niya ang isang lapis Sa tuwing lilikha ng isang larawang iguguhit sa malinis na papel, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing pipikit ang mga mata Sa tuwing kadiliman na lamang ang nakikita Sa tuwing lilipad ang isipan Bago makatulog ng tuluyan, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing mumulat ang kanyang mata sa bukang liwayway Sa tuwing ang isipan ay pumupungas pa pagkatapos ng panaginip Sa tuwing babangon siya sa panibagong araw Sa panibago na namang umaga na ang kami ay wala na, Naaalala kaya niya ako? Kasi ako, oo.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 10:51 PM UTC
-