Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Christien Ramos Jun 2020
patawad
patawad kung natakot ang mga balikat ko.
kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo.
alam nilang mangangalay sila
at baka hindi ako patulugin sa sakit,
sa pangamba,
sa pag-aalala.
nababahala ang kanan,
ang kaliwa
silang dalawa
kaya patawad;

patawad kung inalagaan ko ang lamya
hindi mo makakapitan ang mga buto
dahil sa rupok
dahil sa walang kasiguraduhan
dahil takot sila sa pusok
hindi kongkreto ang pundasyon
at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo.
kaya patawad;

patawad kung walang tamis ang mga pangungusap.
tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan
at wala silang balak na bumalik.
iniwan kang nakalutang sa ere;
nag-iisip,
nanabik
sa ginhawang mailap.
kaya patawad;

takot lang ang mga balikat na ito
na maging makasarili.
ayaw lang nilang sumandig ka sa pader
na nagdadalawang-isip.

kaya kapag dumalaw muli ang gabi
na kailangan **** ihilig ang sarili mo,
handa na sila

sumandal ka't makikinig ang mga ito.
Lev Rosario Nov 2021
Nais kong yakapin ang aking sarili
Bigyan ng mainit na gatas
At patulugin sa malambot na kama

Huwag kang matakot
Tao ka lang at tao rin lang sila
Hayaan **** managinip ang iyong kaluluwa

Tandaan mo ang iyong kabataan
Ikaw ay minamahal
Ikaw ay ginto

Ikaw ang tagabuhat ng umaga
Ang kanta ng mga matatabang maya
Ang almusal sa puso ng iyong pamilya

Pag gising mo, huminga ka nang malalim
Mag jogging ka sa iyong hardin
At ibigin ang init ng araw sa iyong mukha
Lev Rosario Sep 2021
Minsan ay katahimikan ang sagot
Sa kamatayan
Sa pagkakasakit
Sa away pamilya

Magtimpi
Subukan **** maging gabi
Puno ng ilaw ng buwan
Puno ng lumbay ng kuliglig

Gagawa Ang Diyos ng paraan
At Ang gabi ay magiging bagong umaga
Sinasayawan ng bulaklak ng buhay
Binubuhay Ang matatabang gulay

Maghintay lang ng sandali
At maibubukas mo rin ang iyong bibig
At aagos mula sa iyong looban
Kung ano ang dapat sabihin

Kung ano ang tamang sabihin

— The End —