Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
J Nov 2015
Ang dami ko nang nagawang tula,
Pero masasabi ko na isa ito sa paborito kong nagawa,

Bumalik tayo sa oras,
Sa oras na nakalipas,
Habang ako'y naglalakbay,
Nakita ko ang mga panahon na ako'y sumablay,

Natawa nalang ako sa aking nakita,
Nadinig ko ang mga mapapait at matatamis na salita,
Nakita ko ang mga taong humulma sakin,
Nais ko sana silang tanungin.

Ngunit hindi sapat ang aking oras,
Sa oras na lahat ng larawan ay nagsimula ng kumupas,
Nakita kita na paparating,
Hindi ko napigilan na tumitig at mapatingin.

Oo itong mga matang ito napatitig sayo,
Sabay bulong sa hangin na sana maging tayo.
May mga panahong napapaisip ka at napapahiling na sana sabihin niya ang mga salitang matagal mo ng hinihintay. "Mahal din kita"
brian bernales Sep 2016
Sa tuwing makikita ko
Ang mga ngiti mo
Wari ko'y matutumba ako
Lagi ka na lang pinagmamasdan
Mula dito sa malayo

Tumitingin...
Tumititig...
Basta masulyapan ka lamang
Masaya na ako

Nagtitiis...
Nag-aabang...
Nagbabakasakaling ikaw din ay mapatingin

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya
Kapag nakikita kita
Ayos lang kahit na may kasama kang iba
Alam ko namang wala akong pag-asa
Kaya dito na lang ako sa malayo
Pagmamasdan ang mga ngiti mo

Magtitiis...
Mag-aabang...
Magbabakasakaling ako rin ay makikita mo
Mon Jan 2016
...
Hindi ko maamin
Na ako'y may gusto sa'yo

Hindi ko mapigilan
Aking nararamdaman

Hindi ko maiwasang
'Di mapatingin sa'yong mga mata

Hindi ko na malaman
Kung ano pang dapat kong maramdaman
Crissel Famorcan Oct 2017
#18
Hoy ikaw ! Oo ikaw!
Ikaw na walang alam,
Ikaw na walang pakiramdam
Makinig ka! May sasabihin ako
Sana pakinggan mo kasi minsan lang 'to
Minsan lang ako gagawa ng isang tula,
na alay sa isang tulad mo.

Magsisimula ako sa umpisa
Sa mga panahong wala pa akong gaanong nadarama
Noong unang beses kitang nakilala
At unang beses ko ring nakita,
Kung paano ngumiti ang iyong mga mata
At kung paano ito kumislap
tulad ng mga tala Sa umaga
Idagdag mo pa yung magandang kurba ng iyong mga labi
At matamis **** mga ngiti
Na kay sarap pagmasdan
Na kay sarap titigan
Nung mga oras na yun,
Parang ayaw na kitang tigilan
Pero hindi. Saglit lang.
Ano to?
Uulit na naman ako sa isang siklo ng katangahan?
Hindi! Ayoko nang masaktan.
Ayoko nang masaktan ng paulit ulit
Pagod na kong makaranas ng sakit
At syempre,matitinding inggit
Kaya pinili kong itigil ang lahat
At pigilan ang nararamdaman
Nagtagumpay ako nung una
Pero kinalaunan?
nagpatuloy pa rin ang baliw kong puso
Kaya nga kapag nakikita ka na, puso'y napapalukso
Hinihiling na sana tumigil ang oras,
Para nanjan ka lang.
Pagkat ikaw lang ang tanging  lunas
Sa puso kong matinding lungkot ang dinaranas
Hinilhiling na sana wag ka nang lumisan pa
Dito ka lang sa harap ko.
Yun bang tititigan hanggang kelan ko gusto?
Pagmamasdan ang bawat paglabas nung dimples mo
Hihintaying kahit minsan,mapatingin ka rina pwesto ko
At kahit saglit, mapansin mo ako.
At alam mo ba?
Nagkaroon din ako ng dahilan sa pagpasok ng maaga
Hiahabol ko kasi yung pagkakataong makasabay kita sa pila
Syempre para ako yung unang makakita sayo
Sa ganung paraan feel ko nakalamang ako
Alam kong hindi pwede at walang pag - asa
Kaya sige. Hahayaan na kita sa kanila
Tahimik na lang kitang pagmamasdan mula sa malayo
At papanoorin ang magandang mga ngiti mo.
Sana dumating yung araw na hindi lang laging ikaw yung aking nakikita
Mula sa malayong lugar na pinagtatanawan ko sayo.
Alam kong matatapos din ang pantasyang ito.
Sana lang dumating agad yung panahon na yun.

— The End —