Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mimi V Mar 2016
AKO’Y**  ISANG  KAIBIGAN
Kumakatok sa iyong puso
Pinto nito’y iyong buksan
At ako’y hayaang makapasok


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Tapat at Mapagkakatiwalaan
Masasandalan sa ano mang oras
Karamay sa bawat pagsubok


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Lumalapit sa isang katulad mo
Nagsasabing “wag kang matakot”
Ako’y laging nakabantay sayo


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Di nanghuhusga, Di Namimili,
Di nang-iiwan, Di nakakalimut,
Pagkat ika’y mahalaga sa akin


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
handang ibigay ang lahat
Pati buhay ko’y ibibigay
Makasama ka lamang sa walang hanggan


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Higit pa kanino man
Halika’t ako’y kilalanin
Tiyak di mo pagsisisihan


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Nagmamahal ng tapat,
Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan
Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Luhang pumapatak aking pupunasan
lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin
heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin,
yayakapin ng kay higpit.


AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN
Nagsasabing, Taha na…  
Ako’y narito lamang
Hinding Hindi ka iiwanan
#JesusIsMyBestfriend #YouAreLoved&Secured; #HEWontLetYouDown :D
Rhon Epino Apr 2018
Pag ibig
Kanya-kanyang depinisyon
Kanya-kanyang eksplinasyon
Isang uri ng salamangka
Na makakapagpapabago ng lahat
Makapagbibigay ng dapat at sapat
Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat
Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat
Maghahangad ng iba
Maghahanap ng ibang kasama
Pero gayunpaman ay wag kalilimutan
Na ang pag ibig ay pag ibig parin
Kahit ito pa ay paiba-ibahin
O kaya nama’y balibaliktarin
Bawasan mo man o buuin
Pag ibig parin

Pag ibig
Ito ang tuwa sa isang libo **** luha
Isang porsyento sa ilang daang libo
Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo
Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo
Ito ang magtuturo sayo
Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan
Hindi bagay na dapat **** sukuan
O kaya nama’y dapat **** kalimutan
Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina
Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko
Ang pagsulong sa bawat pag urong
Ang simula sa bawat katapusan
At ang katapusan sa bawat simula
Dahil ang katapusan ay hindi masama
Ito ang simbolo ng tagumpay
Ang simula ng simula

Pag ibig
Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong
Sa ano, bakit at paano
Ang pupuno sa bawat kakulangan mo
Pupunan ang pangangailangan mo
Ito ang tulay sa bawat pagitan
Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan
Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig
Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan
Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo
Kahit na sino at kahit na ano
Kahit na ano pa ang kasarian mo
O kahit na ano pang kinabibilangan mo
Sasagipin ka nito sa pagkalunod
Sa pag iisa
Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama
O kaya nama’y kinalimutan ka na
Yayakapin ka
At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa

Pag ibig
Di ka nito huhusgahan
Tatanggapin ka kahit ano ka man
Dahil kailanman ay wala itong batayan
Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan
Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap
Pag unawa at walang halong pagpapanggap
Ito ay puro at dalisay
Hindi pinapahina ng panahon
At sa halip ay lalo pang pinapatibay
Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok
Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok

Pag ibig
Ito ang produkto ng konseptong positibo
ng pluma at panulat
Ng tuno at liriko
Ng imahinasyon
Ng respeto at pagpapahalaga
Umibig at ibigin
Sabihin kung ano ang laman ng damdamin

Sayo, ano ang pag ibig?
kahel Oct 2016
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo
Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo
Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi
Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis
Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan

Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to
Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo
Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo
Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo
Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo
Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho
Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo
Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo
Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto
Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo
Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto

Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to
Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan
Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa
Ang magbabalanse sa daloy ng kwento
Kahit yun na lang tayo; sayo.
Jor Jun 2016
I.
Akala ko dati masaya mag-isa,
Pero hindi pala.
Darating ang mga gabing malulumbay ka.
At pakiramdam mo iniwan ka na nila.

II.
Akala ko dati kaya ko mag-isa.
Pero hindi pala.
Dahil kahit anong mangyari,
Kakailangan mo pa rin sila.

III.
Eto ang isa kong natutunan sa buhay,
Sa mundong ito kailangan mo rin ng karamay.
Kahit sino, basta’t mapagkakatiwalaan.
Pwedeng kaibigan o ka-ibigan.

IV.
Masaya naman talaga minsan–
Ang mamuhay mag-isa.
Nagagawa mo ang lahat ng naisin mo.
At tiyak na hawak mo ang oras mo.

V.
Pero mas masaya mamuhay ng may kasama,
Kahit isa lang basta tunay siya.
Yung laging nariyan para ika'y damayan,
At kailanman hindi ka iiwan.

VI.
Yung taong makakasama mo sa kalokohan at–
Yung taong kasundo mo sa lahat ng bagay.
At kung sakaling natagpuan mo na s'ya.
H'wag mo na s'yang papakawalan pa.

— The End —