Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makipagsayaw" poems
Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin. Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mata’y nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila. Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman. Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan Gusto niya rin ng karamay.
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 4:47 AM UTC
Sa Tuwing Uulan, Kapag Gabi...
Naranasan mo na bang apihin Ng dahil lang sa katawan **** bilbilin Halika kaibigan may kwento ako sayo Nawa'y pakinggan mo at sana'y makatulong ito Ako nga pala si Mahal Madalas bully-hin ng aking kamag-aral Yung tipong gusto **** sagutin ang tanong ni ma'am Ngunit alam **** pagtatawanan ka lang Meron din akong kaibigan Na alam kong maasahan Ngunit ako di pala'y iiwan Ng dahil din sa aking katabaan Isang araw nagkaroon ng sayawan sa paaralan Napakalungkot ng aking isipan Dahil alam kong  walang lalaking magtitiyaga Na makipagsayaw sa katulad kong mataba Sa sobrang sakit na aking nadarama Alam mo kaibigan, ginusto ko ng mawala Wakasan ang bukay na ito Ngunit aking napagtanto Napakasayang mabuhay sa mundong ito Kahit na maraming masasamang tao Kaibigan paalala lang, wag **** baguhin ang sarili mo Lalo na kung para sa ibang tao. Tanggapin mo kung ano ka Tanggapin mo kung sino ka Dahil kaibigan mataba ka man, tandaan mo Meron at merong iintindi sayo Merong isang taong tatanggapin ka At mamahalin kung sino ka
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 9:56 AM UTC
Mataba