Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maxwell Jul 2015
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan,
Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag.
Alam kong dapat masaya ako pero
Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko?

Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo,
Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano.
Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo.
Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko
Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko,
Kasama ng mga sagot na hinahanap ko.

Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba?
Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita.
Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka
At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala.
Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan
At kung paano kita hinayaan.

Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa
Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala
Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa
Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
Masakit mawalan ng kaibigan.
Eugene Jan 2016
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.


Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.

Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.


Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.


Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.



Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
Quencie DR Apr 2019
(Orig.Spoken Word By: Quencie D.R)
Nagmahal lang naman sila..
Nagmahal ng totoo..
Nagmahal ng sobra..
Nasaktan.
Nagmahal.
Patuloy na nagmahal..
Pinaglaban ang pagmamahal na yon.
Lumalaban pa din kahit wala ng dapat ipaglaban.
Nasaktan.
Iniwan.
At Ipinagpalit.
Kaya wag kayong mainis sa mga taong bitter dahil wala naman silang kasalanan sa inyo..
As long na hindi naman nila tinatapakan ang pagkatao nyo..
Hindi naman nila kasalanan ang maging bitter sila..
Dahil nagmahal lang sila ng totoo at sobra!! Sobrang pagmamahal na nasayang lang..
Sobrang pagmamahal na konti o tipong wala ng natira para sa sarili nila.
fallacies Oct 2018
gusto kong tumakbo,
papunta sa direksyon mo;
at yakapin ka nang mahigpit,
yakapin ka ng pagkatodo-todo

gusto kong lumayo,
sa lahat nang ito;
at tumungo sa iyo
kung saan presko,
ang hanging hininga ko;
pagka't nasa piling mo

gusto kitang makita,
kung alam mo lang sana,
kung gano kalungkot ang buhay;
nang sa piling ko'y wala ka

gusto kitang puntahan;
gusto kitang kantahan;
gusto kitang halikan;
gusto kitang balikan

ayoko nang umalis;
ayoko nang saktan ka;
ayoko nang mainis;
ayoko nang iwan ka

kung alam mo lang kung gaano ko,
gustong tumakbo papalayo dito;
tumakbo papunta sa iyo,
mararamdaman mo ng todo-todo,
ang pagmamahal na bumubugso,
sa aking tumitibok na puso

gusto kong tumakbo
at sabihin sayo,
Liane, mahal kita
walang halong biro;
pawang lahat ng sinabi ko
sila ay totoo

— The End —