Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
derailed-trains Mar 2022
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamatโ€”
ang tipak sa dingding ng panahon
Na nabuo mula sa iisang hibla
Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon

Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalรกsanโ€”
Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan
Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong

Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo
kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras
Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya
Ayaw magpalimot,
Ayaw magpaawat,
Ayaw magpatawad

Nasira ko yata ang pinaplano kong ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต sa umpisa, mahal
Gaya ng wala naman talaga tayo sa ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ
Ng kahit kanino sa ating dalawa
Ngunit, heto na, nangyari na
At nagkasakitan na
Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso
At ngayon, gusto ko lang malaman:

Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitawโ€”
Paparoon at paparito, hindi makadiretso
Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan
Masaya naman tayo... ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ
Masaya naman tayo minsan
Masaya naman tayo minsan
At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal

Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Masyado nang matagal
Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin
Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi
At ng puso **** ayaw magsisi
At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan,
Nag-aasam ng kaayusan
Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang

Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
mamatay tayong lahat sa kakornihan. i wrote this on a whim; i'm so sawry.
.
.
.
.
.
.
anyhow, sana makahanap tayo ng pagmamahal na sigurado, marunong magtimpi, marunong magpatawad, at higit sa lahat, marunong bumitaw kapag hindi na talaga kaya. because letting go is still an act of love. or, something. i don't know.

— The End —