Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jeremiah Ramos Feb 2016
Tayo ay magkasalungat
Magkaiba, hindi tugma
At kahit baliktarin mo ang mundo
Tayo ay dalawang taong
Hindi maipagsasama,
Hindi maipapares, hindi din maitutugma
Pero mahal pa rin kita

Ikaw,
Ikaw, na nagmamahal ng iba
Ikaw, na mayroon mga mata
Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala
Ikaw, na mayroong bibig
Para ngumiti o sumimangot
Sa tamis at pait ng buhay
Ikaw, na mayroong kamay
Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo
Ikaw, na mayroong puso,
Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito

Ako,
Ako, na nagmamahal sa'yo
Ako, na mayroon ding mga mata
Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao
Ako, na mayroon ding bibig
Para ngumiti, tumawa, humalakhak
Kahit wala ka sa tabi ko
Ako, na mayroon ding mga kamay
Na dapat hawak ang iyo
Ako, na mayroon ding puso
Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo
Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit
Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin
May nagsasabing
Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo
Pero nandiyan pala siya.

Siya, na minamahal mo
Siya, na parang buwan kasama ang mga tala
Siya, na laging hawak ang kamay mo
Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo.

Tayo,
Tayo ay parang tubig at langis,
Liwanag at dilim, langit at lupa
Mapait at matamis, madumi at malinis
Maingay at tahimik, itim at puti
Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat'

Sana,
Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko
Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay,
At hindi din lagi naghahanap ng kapalit
Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa
Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan
Sana hindi na lang kayo nagkakilala
Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi
Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana.

Pangako,
Pinangako ko sa sarili ko
Na pagkatapos ng tulang 'to
Titigil na akong isipin ka
Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko
Titigilan na kita sulatan ng tula
Titigil na akong mahalin ka
At ang huling sana na aasahan kong matupad
Na sana tandaan mo,
Minahal kita, Ginusto kita,
Kahit siya na lang
At sana masaya ka.
Para kay A.
Taltoy May 2017
Kay bilis ng pagdaan,
Mahirap mapansin, mamalayan,
Sa dami ng mga pangyayari,
Saan nga ba na-uwi?

Mga panahon na gustong maranasan,
Palalampasin ba ang pagkakataon? hahayaan?
Huwag naman sana, baka pagsisihan,
Desisyon nga dapat ay pag-isipan.

Pagkakatao'y di na gustong pakawalan,
Kahit tinig mo man lang ay mapakinggan,
Pagkakatao'y di na kayang palampasin,
Makausap ka kahit di mo man mahalin.
another random poem.
astroaquanaut Oct 2015
dahan-dahan **** itaas
ang kamiseta kong iyong
nilamog, nilasog, nilukot-lukot
kurutin mo ang kaluluwa kong
tunay na alay sa iyo

unahin mo ang aking labi
bumulong sa pagitan ng mga halik
dila'y umiindak sa sariling ritmo
mahal kita, akin ka, mahal, halika
paibabang mga halik, hihinto sa leeg

isa-isang taluntunin ang mga bituin
sinag sa aking balat, iyong intindihin
idampi ang mga daliri sa aking dibdib
himurin ito, kilitiin, at ipadama
ang sansinukob na sa atin lamang

lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin
animo bakas ng iyong papalayong yapak
kabog ng puso'y umuugong sa silid
hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at
susunggaban ang iyong labing sabik na sabik

naghahalo tayo na parang makulay na pintura
kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa
inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala
sirain mo ako sa pinakamagandang paraan
isalin mo ang iyo, huwag mabahala
Euphoria Nov 2015
Ang unang halik ay ninais maging wagas
Tulad ng pag-ibig sayong hindi pa rin kumupas
Sinabing mo saking walang pagtingin
Tinapos ang lahat at tinapon sa hangin

Ngunit, sinta, ano ito?
Isang halik ng impokrito?
Bakit idinampi ang mga labi
Gayong umalis ka na sa aking tabi?

Isa ba kong laruan sa'yong mga mata
Na magbibigay saya sayo kapag malungkot ka na?
Napakadaya mo naman, sinta.
Hindi mo ba naisip na ako'y nasasaktan na?

Sabihin mo sa akin, aking mahal.
Ano ba ang katotohanan dahil ako ay nakagapos at sakal
Sa magkasalungat **** salita at gawa
Na hinahagupit ako ng walang awa.
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.

Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.

Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.

Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.

Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.

Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.

Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.

---

Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.

Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
Hindi lahat ng sinasabi ng babae ay magkasalungat.
Oo, may ibang ganoon pero ako hindi.
Pag nag-away ang magsyota, Pagsinabi ng babae na "Huwag mo ako kausapin"
Iyong iba, gusto na lambingin.
Ako, gusto ko na huwag muna talaga kausapin para makapag isip.
Pero hindi ibig sabihin nun na iiwan mo na ako.
Away lang pero walang hiwalayan.
Another poem that I used my language. I just released what's on my mind even though I never had a boyfriend.
kahel May 2021
mahal,
nang turuan ka lumipad
ay kung saan-saan ka na napadpad
‘di na rin kabisado
ang mga linya sa iyong palad
at simula noon
hindi ka na muling tumapak sa lupa
nagsimula na din ang pagpatak ng luha
ngayo’y magkasalungat at 'di na masilayan
‘di mo na binabasa ang mga likhang sulat
kailangan nang mamulat
sapagkat sariwa pa rin ang mga sugat
dulot ng katotohanan
na hindi ka na muling babalik

— The End —