Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkasalubong" poems
Nakita kita kanina. Nadaanan ka lang ng dyip na sinasakyan ko. Ewan baka nakita mo rin ako. Kung napansin mo ko, yun ang hindi ko alam. Malamang hindi. Ganun ka pa rin, ganun ka palagi. Magkasalubong na mga kilay, nakakunot na noo. Siguro dahil sa init. Ayun, kahit mag-isa lang sa dyip, di ko napiglan, napangiti na lang ako. Nainis naman ako nung isang beses, biglang sinabi ng kaibigan ko, hindi raw maganda yung ginawa **** artikulo. Ipagtatanggol sana kita pero anong masasabi ko, eh wala naman akong alam tungkol sa'yo. Kaya eto pagdating ng bahay, binuksan ko agad at binasa. Baka sakali sa paraang ito maging close tayo. At sa bawat salita, sinusubukang intindihan ang ginawa mo. Pero ang totoo, pinipilit intindihin ka. Baka kasi dito, makilala kita. Isang araw dati, lumabas ako kasama ang isang kaibigan. 'Ah ok' na lang ang nasabi ko, nang malaman kong ang ex niya, ay siya ring ex mo. Anliit talaga ng mundo, noh? Naalala ko tuloy nung hindi mo kami tinulungan, kasi busy ka, busy ka para sa bayan. Ayan, lalo tuloy kitang nagustuhan. Naisip ko nun, kahit kelan hindi ako magiging bida sa hawak **** kamera, kasi, ang bayan mo, ang bayan ko, ang lagi **** inuuna. Oo kahit ako natatawa, kasi sobrang layo talaga ng distansya nating dalawa. Mula sa paniniwala hanggang sa mga ginagawa, hindi kayang sukatin kahit ilang ruler pa gamitin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano. Ang makita ka nang di inaasahan, sapat na yun. Ang mabasa ka, okay na para isiping kilala nga kita. Makita lang ulit ang mga mata mo, maisip o maalala lahat ng ito, okay na. Pero sana alam mo, may isang tao dito, napapangiti dahil sa'yo.
0
Jul 22, 2011
Jul 22, 2011 at 10:37 AM UTC
pro-KABIT edited (02.15.10)

Continue reading...
54
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani, Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili? Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili? Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan, Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 9:49 AM UTC
BAkit ganYAN?
Dalawang barkong Magkasalubong Lulubog? Lalayag? O di kaya'y lulutang Mananatili kung nasaan Walang ibang rason kundi Nandito
0
Jul 30, 2022
Jul 30, 2022 at 4:10 AM UTC
Paglalapit
Sa mga oras na to, Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na nasasaktan ako ng sobra sobra. hindi ko man alam kung kailan ko ulit mararanasan mahalin ulit ako ng katulad mo. sisiguruduhin ko naman sa sarili ko na malalaman mo na hangang sa huli pagkakataon hindi na ko nag mahal pa simula nung nawala ka sa buhay ko. dahil katumbas ng mga binitawan kong mga salita ay inalay ko ang bawat pag mamahal ko sa mga letra bumuo ng mga kahulugang mahal kita kung mahirap man at kumplekadong mundo ang nasa sitwasyon kinahaharap ko ngayon habang mag isa kong hinaharap ang lahat ng pasakit na ito sa tuwing maririnig ko ang sarili mo na itinatanong ito ano kaya ang ginagawa mo sa mga panahon mag isa lang tayo sa panahon hinahanap din natin ang sarili sa kung saan at kailan ba darating ang katapusan ng pagtataguan ng nararamdaman kapag handa na ang tadhana at pagkakataon magkasalubong ang ating mga landas sana sa panahon na yon sana kahit ako nalang ang nag mamahal sayo kahit sa malayo kahit pasikreto kahit hindi mo alam kahit sa mahirap na paraan mamahalin parin kita kahit wala ako kasiguraduhan paninidigan ko to sa kahuli hulian.
0
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 11:57 AM UTC
Walang kasiguraduhan pero paninindigan