Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2016
Nakaw-Tingin


Nang masilayan ka,
Buhay ko ay sumigla.
Nang makilala ka,
Ngiti ko'y kakaiba.


Nang ika'y dumaan,
Sa aking harapan,
Ako'y nag-alinlangan,
Kung ika'y ngingitian.


Hindi ko maiwasan,
Na ika'y hangaan.
Sa iyong kagandahan,
Nagkakagusto ang kalalakihan.


Laman ka ng isipan,
Mukha mo'y napapanaginipan,
Sarili ko'y di maintindihan,
Damdamin ko'y naguguluhan.


Tinangka kitang lapitan,
Upang iyong malaman,
Na kita'y hinahangaan,
Gustong maging kaibigan.


Nang tayo'y magkaharap,
Wala akong mahagilap,
Hindi ko mahanap-hanap,
Ang salitang pangarap.


Nalimutan ko ang katapangan,
Naduwag ang aking kalooban,
Hindi ko na napanindigan,
Ang mga salitang binitawan.


Torpe na kung tawagin,
Kahit na ito'y nakaw-tingin,
Sa malayo ika'y napapansin,
Ako'y nagpapasalamat pa rin.
Twelve Oct 2017
Heto ka na muli,
magkaharap tayo,
di ako mapakali,
biglang napaiwas ng tingin,
napalunok ng malalim,
at sinabi kong,
kamusta ka na?

hindi ka umimik,
sabay higop sa mainit **** kape,
tingin sa paligid,
at sinabi ko,
saan ba tayo patungo?

sa pagiling mo na iyong ulo,
at pagyuko,
alam ko na ang sagot,
sa tanong na gumagambala
sa aking pagtulog.


pero binigkas mo ang salita,
na "ayoko na"
siguro oras na,
tapusin na ang mga bagay nagbigay,
ng lungkot at saya,
sa panahong tayo pa.


mahal ko,
paalam na

— The End —