Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magdikta" poems
Sa pagkakataong ito,masasabi  kong masaya ako Kasi naging tayo,Sa loob ng paghihirap ko Nakuha ko na din ang mahal ko Naging masaya tayo Sa araw araw na kinakausap mo ako Lagi mo ako sinasabihan ng mahal mo ako Pero lahat nagbago Nagbago nung nagkaproblema ka Yung problema mo pati relasyon natin,nadamay na Yung akala nila perpekto,ayun nasisira na Hindi ko iniisip na baka pagod kana Pero nababasa ko sa mga mata mo na awat na Hayaan nating puso ang magdikta Kung itutuloy pa ba ang magandang alala
0
Aug 22, 2016
Aug 22, 2016 at 10:47 AM UTC
Tayo
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan, Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan-- Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad. Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay Sa isang pamilyar na pakiramdam Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay-- Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay. Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;    Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,    sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,    Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,    Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.                                                                                                    Oras.    Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,    Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,    Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,     Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.                                                                                                   Pag-Unawa.    Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,    Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,    Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,    Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.                                                                                                   Pagdamay. Higit sa mga rosas at tsokolate, Ipinakita mo ang iyong pagmamahal. Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad, May iba pa palang paraan ang pagmamahal. Pagdamay. Pag-Unawa. Oras. Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal. Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan. Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan. Hindi kayo itinadhana lamang, / Pinili nyong magkatadhana. /
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 10:00 PM UTC

Continue reading...
33
apat na letra lang yan pero bakit parang ang daming kahulugan.. napakaraming nais iparating ngunit pilit na ikinubli sa apat na letra kumakawala, pumipiglas ang mga patalim nitong may taglay na lason na maaaring magdikta ng libong sakit at pasensya ka na, hindi ata nakarating ng maayos sa aking pang-unawa ang nais **** sabihin "bakit ka ganyan, mahal?" "ewan" "may problema ba tayo?" "ewan" "mahal mo pa ba ko?" "ewan" pero mas masakit palang marinig na ewan din ang sagot mo sa tanong na bakit. bakit mo ko patuloy na sinasaktan? sige, wag mo nang sagutin. nagsasawa na ko sa mga ewan mo ngunit, putangina, hindi sa iyo. nagsasawa na ko sa sakit na ibinibigay mo, hindi naman ito ang ipinangako mo pero ewan... siguro nga'y mahal na mahal lang kita kaya't sa lahat ng ewan na binanggit mo isa lang ang alam kong sigurado... hindi ko alam kung paanong magsisimula muli, ewan.. bahala na'ng pusong sawi sa pagbuo ng mga piraso nitong dinurog ng lapastangang pag-ibig na alam mo.
0
Apr 30, 2019
Apr 30, 2019 at 10:49 AM UTC
Ewan
Ang saya ay di ko maitago At tumatalon ang aking puso Ikaw na nga siguro Ang sa akin ay ipinangako Lungkot mo'y nais ko'ng saluhin Hirap mo'y aking papasanin Luha mo'y aking papawiin Sapagkat mahal ka sa akin Ako'y hindi nagbibiro Sapagkat ako'y takot din na mabigo Pakinggang ang aking puso Na tapat at ganap ka'ng sinusuyo Tumingin sa aking mga mata At ipagtapat ang nadarama Alisin ang ating mga kaba At hayaang ang puso ang magdikta Alam ko'ng hindi sapat ang mga salita Sapagkat ang iba'y nauuwi sa dalita Ngunit ako'y tapat na magsasalita At ang aking puso ang siyang magwiwika - JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:41 PM UTC
Sa Iyong Pagdating