Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mabaon" poems
Pag-ibig na, nasa dulo nitong aking dunong Sagutin mo na sana ang nag-iisa kong tanong: Ikaw ang hamog sa t'wing pagbubukang-liwayway, Tinig na nais maulinigan kapag ako'y nalulumbay. Ika'y rosas na kaybangong samyuhin, 'Sang inaasam na panaginip na nais ulit-ulitin; Hanging kay lamig damhin sa paglipas ng araw, Ngunit 'sang alapaap naman na 'di ko halos matanaw. Ika'y tulang muli't muli ay binabasa ng madla, Na 'di makakalimutan; na 'di mabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni 'di maipabatid, Ngunit 'sang saknong naman na hindi magkatugma. Mithiin ko'y mapansin mo na ang aking mga ginagawa: Itong pag-ibig na nasa dulo ng aking ligaya, Mithiin ko'y sagutin mo na ang tanong kong nag-iisa, Nadarama mo rin ba ang lahat ng napaloob nitong aking tula?
0
Nov 13, 2011
Nov 13, 2011 at 11:05 AM UTC
Mithiin
Isusulat kita. Sa huling araw na masilayan ko ang tamis ng ‘yong mga ngiti at sa mapang-akit **** mga labi. Isusulat kita. Habang nakikita ko pa ang aking sarili sa kislap ng ‘yong mga mata, bago ka lumisan, dahil matagal pa ang ‘yong pagpihit mula sa ibang daigdig. Isusulat kita. Sa mga titik at letrang namumutawi sa aking bibig, hindi ko hahayaang malusaw na lamang sa pagtakbo ng oras, mabaon sa limot, patungo sa karimlan. Isusulat kita. Habang tanaw pa natin ang mapula-pulang sunset na kakulay ng puso nating dalawa at kayakap kita. Yayakapin kita. Hanggang sa magbubukang-liwayway ang tanaw nating takipsilim. Yayakapin pa kita. Sana. Isusulat kita. Sa kailaliman ng gabi, sa dilim, sa nagsisidhing damdamin, kung saan sinag lang ng buwan ang tanging namamasadan, at ang kayakap ko na lang ay ang mga basang unan. Isusulat kita. Kasabay ng pagpigil sa pagpatak ng luha habang nakikita ang ‘yong mga hakbang paakyat sa bus dahil uuwi ka na. Habang ang sinasakyan ko namang dyip ay papalayo ng palayo sa ‘yo, ihahataid na kung saan ako ngayon ay iniisip ka. Isusulat kita. Ikaw ang ipaloloob nitong aking akda, bawat berso, bawat tugma, ikaw ang nasa isip, ang iisipin ulit hanggang sa tumunog bukas ang naka-set kong alarm at magising na lang na nasa malayo ka na.
0
Sep 2, 2016
Sep 2, 2016 at 7:06 PM UTC
Huling Araw Bago Magka-LDR
Handa ako sa mga titig **** magpapabilis ng aking puso, Sa init na hatid ng mga yakap mo, Sa halik **** magpapatigil ng aking mundo, At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo. Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa, Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka, Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa, At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama. Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan, Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan, At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan. Pinaghandaan ko lahat ngunit… Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig, Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti, Ang pagdalang ng iyong lambing, At ang unti-unti **** paglayo saakin. Di ako handa sa tuloyan **** paglisan, Sa paglimot ng boses na nakasanayan, Sa pagtapos ng ating sinimulan, At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan. Sana una palang hinanda ko ang aking sarili, Sa posibilidad na ika’y di mananatili, Na hiram lang pala ang bawat sandali, At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:30 AM UTC
HANDA (tagalog)
072924 O kayraming pangarap na binuo — Binuno sa sariling salamangka. May ibang nagwawaging nakangiti, Habang ang ila’y nalalagas kamamadali. Nakamamangha nga sa umpisa Pagkat ito ang batayan ng karamihan Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.” Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik Bagamat sa mga sandaling iyo’y Gusto ko na lamang mapaos Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan. Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan. Ngunit sa patımpalak na ito’y Wala naman pala akong ibang kalaban Kundi ang sarılı kong anino, Ang kumunoy ng aking nakaraan. Madilim — Madilim ang paligid saanman ako dumako. May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag? Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko. Mahiwaga — Ganyan nila ituring ang mga alitaptap Na para bang may isang diwatang Umaaliw sa kanila, Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng Wala naman palang kabuluhan Kaya’t sabay-sabay silang mauubos Na parang mga paupos na kandaling Wala nang balak na sindihan pa. Sino nga ba? Sino nga ba ang aking susundan? Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan Nang mabaon na rin sa limot Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan. Tinatanong ko ang sarili Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan? Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito? Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari? At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag? Ako at ang kadiliman Ako at ang liwanag. Sino nga ba ang pamato? Sino nga ba ang tunay na kalaban? Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang, Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan. At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y Sigurado pa rin akong May liwanag pa rin sa aking sinusundan. Ikaw, Anong tantya mo? Makararating ka rin ba sa dulo? Ikaw, anong pasya mo? Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
0
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Shadow and Knight

Continue reading...
55