Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lubog" poems
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik. Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig. Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa. Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog. "Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey. "Oo sandali lang natumba ako sa putikan." "Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis. Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas. Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa. Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto. "Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Estudyante
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan Ng mga taong niluklok para paglingkuran 'Tong bayan nating lubog, at dugoan Magkano? Sanlibong baryang dinumihan Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya? Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya? Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi Diyos-diyosang maitim ang budhi Bata, matanda, babae, estudyante Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali Bayan kong minamahal, dito na lamang ba? Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya May dyaryo, at may nakapaskil na larawang 'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:20 AM UTC
Sanlibo
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina Maaring tawanan at magduda Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula Ay nasaktan na Hayaang ihayag kahit bahagya Na ang salitang minahal at mahal kita Ay hindi salita ng isang bata Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga Sa bagong kuwento na sisimulan niya Humiling sa tala na ito na ang huling pahina Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya Kaya ginoo, mahalin mo sana siya Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana Sa Pag agos ng alon Hayaan **** sumabay ka sa indayog Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon Isang metapora na ang ibigsabihin ay “Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon” -kabanata
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 11:56 PM UTC
Kabanata
Sa dilim ng gabi ay nakapako ang mata Sa maputing liwanag ng makina Na tanging nagdudugsong sa manipis na hibla Ng ating kasalukuyan at umpisa Ng ating pangarap at mga alaala Diretso ang tingin at sa bawat lubog ng daliri Ay nabibigyang-buhay ang mga hikbi
0
Apr 29, 2016
Apr 29, 2016 at 7:33 AM UTC
Untitled
Sa pag lubog ng araw Liwanag ay napapanaw Kasabay na dumadalaw Dilim na umaagaw Sa anyo ng katahimikan May kasinungalingan Sa bawat kabutihan May kapatid na kadiliman Sa mukha na may takip Walang nais sumagip Takot na sumilip Ang ngiting may kalakip At sa bawat natuklasan Bumibigat ang pasan Patay na kamusmusan Wagi ang kasamaan Tumigil sa piglas Wala na ang lunas Hirap nang tumakas Sa lahat ng pintas
0
Aug 25, 2022
Aug 25, 2022 at 1:10 PM UTC
Pintas
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin. Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit. Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan. Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin? Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 9:14 AM UTC
"Paano kaya kung hindi ako natakot?"
Araw araw sa pag lubog ng araw Hangin ay dumadampi sa iyong Mga labing pala ngiti. Hindi malaman kung saan titingin Sa kalawakan, ang tanging hiling Ay iyong lambing.
0
Sep 14, 2020
Sep 14, 2020 at 12:08 PM UTC
Hating Gabi
Sa pag lubog ng araw, Nakatutok ang mga mata sa abot-tanaw. Sa pagsilip ng mga bituin Sa kalangitang dumidilim At paghaplos ng malamig na hangin Sa basang pisngi At tuyong labi Unti-unting nakakain ng masalimuot na nakaraan ang matamis sanang kinabukasan. Ngunit sa pagpahid Ng katas ng nawalang pag-asa Ay bagong kislap Sa aking mga mata Muling tatanaw, Ngunit ngayo'y Sa pagsikat ng araw.
0
Mar 12, 2020
Mar 12, 2020 at 10:18 AM UTC
Tingala
Sasapit na naman ang dapit-hapon Marahang lumulubog ang araw sa kaunluran Kasabay ng pag-lubog ng puso mo sa kalungkutan Mababasa muli mga unan ng dahil sa matang luhaan Sa tuwing nilalamon ng gabi ang paligid Maririnig pag-hagulhol mo sa silid Tatangis kana naman na para bang isang bata Walang pasubali kung sino man sa'yo makahalata Muli mo naman sarili pinag-tatakhan Kay raming namumuong tanong sa isipan Kakayanin ko ba ang buhay pag-sapit ng umaga Mayroon kaya ako na ibubuga Tila nababalot ka na naman ng pangamba Tinatanong sarili kaya ko paba Subalit 'di ka dapat mag-alala Dahil ngayong gabi mayroon kang makakasalamuha Hindi kana muling mag-iisa Mayroon sa'yong sasamang kusa Ipapabatid 'di kailangang mag-sarili sa isang tabi Dahil mayroon kana ngayong kahati sa gabi
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:24 AM UTC
"Pag-hilom"