Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lapida" poems
Naalala ko noon, Hindi tayo nagpapansinan, Hindi tayo nagkikibuan, Hindi tayo naguusap, Lumilipas nga siguro ang isang araw na wala tayong pinaguusapan. Pero hindi mo lang alam kung gaano kita gustong mahagkan, masilayan, mahaplos ang iyong mga kamay. Noong mga araw na kapiling pa kita. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, kasi abalang abala ka sa ibang bagay. katulad nalang ng 'katext' mo Hindi mo alam kung gaano kita gustong kausapin. Hindi mo alam yun. Hindi. Hindi. Kaya ngayong wala kana :( tanging hiling ko lang naman kay bathala ngayon ay ang: Ibalik ang lahat. Ibalik ka nya. Ibalik ang mga araw na gusto kita yakapin. Ibalik ang mga araw na gusto kita hagkan. Ibalik ang mga araw na gusto kita kausapin. Pero alam kong malabo pa sa mata ng mga lola natin na mangyare ang ganung bagay. Kaya, eto ako. Kontentong kinakausap ka sa PUNTOD mo. Niyayakap ka sa Hangin. Kinakausap ka sa Dasal. Iniiyakan t'wing sasapit ang hating gabi. Hinahalikan ang LAPIDA sa PUNTOD mo. Pero alam kong alam mo na. Kung gaano kita gusto ng makasama ullit :'( Alam kong alam mo na. Gusto na kitang sundan dyan. pero hindi pa. Hindi pa. Hindi pa NGAYON. Dahil naasa akong, MABUBUO TAYO ULIT DI MAN DITO SA LUPA KUNDI SA KABILANG MUNDO #newbie #IMissMyMom
0
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 8:37 AM UTC
Paalam Na
Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral hanggang wala na natira sa kasarilihan Matayog na pananaw ay lumulubog parang tumatandang lawin Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon sa larang ng mga lapida Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana Mapanglaw sa linang Ang kalakasan ay nahahamugan Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan Isang paa ay nasa libingan Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig? Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila sa balangkas ng talambuhay Magbuo man ng introduksyon Di pa rin makabangon sa panimula ng akda
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 7:42 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #12
Ang nakaupong tiwali— siya ang binoto ng masa. Sa manggas ng kanyang barong, panganib ng maralita May kinang ang kan’yang ngiti mapungay ang mga mata Sa bawat pangakong lahad ay pagsibol ng pag-asa. Pag-asa na tayo'y ligtas ay naging katakot-takot. Para raw sa Inang Bayan, peligro na nakabalot. Ang salitang bulaklakin ay daglian ding nalanta kapalit ang pagtungayaw, at banta ng direktiba. Hindi natin inasahan— bahid ng dugo sa daan. Mga kamay, nahugasan ngunit hindi ang lansangan. Sa lapida nakaukit ngalan ng mga biktima. Sunod kayang tatahimik ang silang may pinupuna? Hapis ng inang nawalan, “Crispin, Basilio, anak ko,” oyayi ng Inang Bayan. “Pasismo! Peligro rito!”
0
Aug 22, 2020
Aug 22, 2020 at 10:55 PM UTC
Danak ng Dugo
may araw ang mga patay e paano naman ang mga buhay? hindi na pala uso ang nangangaluluwa treat or trick na ang "in" ngayon. tara dalawin natin ang mga mahal nating namayapa na kahit ang totoo hindi na sila mabubuhay pa. ang sementeryo na tahanan ng mga bangkay pag araw ng mga patay nagiging pugad ito ng mga lasenggo, mandurukot, imbi't tarantado at parang mall na rin ito ngayon kasi kumpleto: may Dunkin, Mcdo, Jollibee at Pizza Hut na rin. wag kalilimutan ang bulaklak at kandila linis lapida, papintura pati na ang paglilipat ng mga buto pero tandaan lahat ng ito may bayad sabi nila mahirap at mayaman lahat mamamatay din pero kahit sa huling hantungan hindi sila magkapantay kasi may nasa apartment at may nasa memorial lawn.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:53 AM UTC
Araw Ng Mga Patay