Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinakanta" poems
Susugod na sa bilang ng tatlo Isa… Dalawa… Tatlo… Sugod Ang giyera ay nagsimula Ilabas na ang mga baril at sandata Ilabas na ang mga kanyon at bomba Ang mga tauhan at ang mga preda Magsisimula na ang giyera GIYERA Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik At ngayon ay naiwan lang at tinangay na Ninakaw ng mga dayuhan Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan Humanap ng iba sa paligid At sa katiyakan ay nakahanap ka nga Nahanap mo ang ingles Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana Kumuha ng puting pampintura Kinulayan ang sarili Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal Pati na rin ang kulay ng sariling balat Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita Naisipan **** maglibot pa At lumibot ka pa Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng “Hart Hart Saranghaeyo oppa” Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel At nag-aral ng wikang banyaga Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin Na kahit ikaw ay hindi makaintidi Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa Hindi ba? Hindi nagtagal ay nagsawa ka Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan Kaya’t naglakbay ka pa Naglakbay ka hanggang sa wala Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala 
Napagod ka Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay Nasa’yo na mismo Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo Para mapigilan ang pagbabago Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako Itinatatak sa isip mo Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Nagtataka na ako sa iyo Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado Ano nga ba ang pumipigil sa’yo Handa na ako Sa aking pagsuko Pagsuko Hindi dahil natalo ako Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo Isusuko ko na ang mga sandata Isusuko ko na ang giyera Inaanyayaan kita Sabay sabay tayo Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika Buksan ang nakakandadong puso At doon ay makikita mo ang sedula Hawak ko na ang sedula 
Hawak ko na ang sedula Ng pagkabilanggo ng wikang filipino Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago Ang dating linya ay magbabago Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Susuko na sa bilang ng tatlo Isa. Dalawa. Tatlo. Suko Tapos na ang giyera
0
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 6:44 AM UTC
Binilanggong Wika

Continue reading...
89
Una kitang narinig Pero iba pala kapag naririnig at nasisilayan Alam mo bang nakakakilig Kahit yung kinakanta mo ay tungkol sa lokohan, kabiguan o kalungkutan Ewan ko kung napansin mo akong tulala sayo Habang kumakanta ka at may kaunting pangiti ngiti Tignan mo gumawa ako ng tula para sayo At yung puso ko tuloy palihim na tili ng tili Pagkauwi ko galing sa Sev's Cafe Di ko pa din malimutan yung oras na magpapapicture ako sayo Muntik na akong di makagalaw at sumigaw ng mayday! mayday! Nang sabihin **** "teka maglugay muna ako" Hayaan mo na yung mga taong nasa kanta **** PAWS Kung sakin lang araw araw ka sanang may rose Lumipad man yung isa sayo palayo Tayo naman ay tatakbo at lilibutin ang mundo Pag nagkita tayo ulet ang sasabihin ko ay Hi Crush! Kaya lang yung pisngi mo kaya ay mag blush? Sabayan mo sana itong gusto kong kantahin Mejo nirevise ko yung favorite part mo sa antukin Eto na Sasalubungin natin ang kinabukasan Ng walang takot at pangamba Tadhana'y merong tip na makapangyarihan Kung ayaw may dahilan Gusto kita kaya ginawan ng paraan
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 6:46 AM UTC
Karlen
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
"Ako'y alipin mo kahit hindi batid", Kinakanta ng puso ng pasambit, Kinakanta ng puso kahit masakit, Pinipiling ihimlo kahit hindi rinig. Sa bawat kanta na binibitaw ng bibig, Pinapakita na ikaw ang tanging iniibig. Sa bawat linya na kinakanta ng bibig, Makikita na tanging ikaw lang ang hinibig.
0
Aug 15, 2025
Aug 15, 2025 at 8:38 AM UTC
Alipin
Oh buwan, Napakaliwanag- Nagtatanglaw sa kadiliman, Kasabay mo ang mga bituin, Tila isang mga pangarap— Kumikislap, Ngumingiti, nanghahalina; Oh Buwan, Napakaliwanag— Ikaw ay kakaiba, Tinutugtugan ka ng gabi Isang musikang kinakanta ng mga kuliglig; Ang sarap matulog sa iyong mga braso Liwanag na mula sa iyo Ay tila kinukumutan ang kabuuan ko.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 3:31 AM UTC
BUWAN
Dating tayo Hindi na siya tulad ng dati, Hindi na siya madaling maloko, Hindi na siya kinikilig sa sulyap mo, Hindi na din siya tumatanaw sa mukha mo. Hindi na nya sinusubukang kausapin ka, Hindi na nya kinakanta ang paborito **** musika, Hindi na nya binabasa ang dating sulat nyo sa isat-isa. Hindi na, hindi na, hindi na. Masakit pala yung salitang "hindi na", Depende sa nakakakita, Depende sa nakakaramdam, At depende sa umaasa.
0
Feb 18, 2019
Feb 18, 2019 at 1:32 AM UTC
Untitled