Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iwasto" poems
Gusto ko ng panibagong balat. Iyong maputi at makinis. Mala porselana, Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw. Kabisado ko ang bilang ng araw, Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat. Ngunit, Ang panibagong balat, Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko. Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko. Ngunit, Sa panibagong balat, nais ko magsimula. Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay, Ang imahe ng nakakadiri kong balat. Bilang ang peklat. Sukat ko kung gaano kalalim ito, Noong sugat pa lamang. Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito. Baka sakaling iwasto ng bago kong balat, Ang mga naimali ko. Makikilala kaya ako ng ibang tao, Sa bagong balat na suot ko? Marahil hindi, sana hindi, panigurado hindi. Nais kong magtago, Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad. Nang hindi ko na itatakip, Ang aking palad sa aking dibdib, Dahon sa ibaba ng puson. Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas, Halos magsisilabas Ang mga putang mismong makakarinig, At yayakapin ko sila. Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit. Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi. Malinis, Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway. Mabango, Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan Ng pawis ni Ricardo kagabi. Bagong balat. Ibebenta ko ang luma kong balat, Sa gabing ito. Bilhin mo ang aking balat. May panibago bukas, Pag-asa, hamon, Mantikilya sa loob ng pandesal. Gamit ang luma kong balat, Makakabili pa ba ako ng bago? Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit. Ang balat ko, nalaspag na. Tulad ng puti kong damit, Hindi na ito puti. Marumi ang titig ko. Marumihin ang aking naisuot. Ang balat ko ay puno ng mantsa, Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat, Iisa parin ng uri. Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at Yurak sa puti kong suot. Bagong balat, kulay puti. Wala na akong maisuot. Hubad na ang aking puri. Hindi ko masuot ang salapi. Magkano pera mo? Tara? Nais mo bang makita ang aking balat?
0
Dec 13, 2017
Dec 13, 2017 at 10:01 AM UTC
Mahabang Sigarilyo, Mahabang Gabi ni Maria.

Continue reading...
67
Ako'y nagsusulat ng librong lahat ay patungkol sa kasakitan Mga pinagdaanang puro kapaitan Mga alaalang pilit mang kalimutan Hindi magawa gawa dahil nakatatak na sa aking kaisipan Kaya naisipang isulat nalang at gawing topiko Mga karanasang balak gawing libro Bawat kabanata sa buhay kong hindi ko alam kung wasto Ngunit lahat ng ito'y isusulat ko Sinusubukang ibahin ang bawat kabanata Ngunit tila lahat ng ito'y kusang naitugma Mga pangyayari sa'king buhay na gustong iwasto Sana balang araw ito ay maitama ko Ngunit isang araw kapalaran ko ay tila nagbago May nakilalang tao na dahil sakanya ay gusto kong magbago Kadiliman sa aking isipan na kanyang binigyang ilaw Buhay ko'y kanyang binigyan ulit ng saysay at linaw Bagong kabanatang sana'y kasama ka Librong sinusulat dahil sayo ay nag-iba Mga kabanatang nagdaang kay pait Kasiyahan kasama ka ay gustong ipalit Bagong kabanatang gusto kang makasama hanggang sa pagtanda Makalimutan man ang librong naisulat na Hinding hindi ang rason kung bakit nagbago ang paksa Ngayon, ikaw lang ang gustong makasama sa lahat ng bagong kabanata na aking isusulat pa.
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:12 AM UTC
Bagong kabanata
Ngayon ako'y nagugulimihanan sa nangyayari sa ating samahan Kung dati'y puno ng saya ang nadarama ngayo'y inis ang sa inyo'y nakikita Noon nag-uusap ng masinsinan Sama ng loob ng bawat isa'y naglalabasan ng hindi namamalayan Nakinig sa kanila ng mabuti upang iwasto man lamang ang mga pagkakamali Ngunit kahit ano yatang gawin upang kahit minsan lamang ay mapansin ang mabilis na pagbabago ng bawat isa at ang lungkot na aking nadarama Hanggang kailan kaya magkakaganito ang samahan na unti-unting nagbabago sana nga'y bumalik sa dating saya nang hindi unti-unting magwatak ang barkada
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:34 AM UTC
ANG SAMAHAN