"inakyat" poems
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan
Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang
Nagtapos sa elementarya na kabilang sa mataas na seksyon
-Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong
Sa paaralang sekondarya ay namayagpag
Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak
Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na katalinuhan
Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso
Puno ng mga tala ang mga kwaderno
Di man pala - kaibigan,
Kaklase sa nakaraan ay natatandaan
Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon
Agila naman ang kinabibilangan
Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon
Malapad na balawis, sa pagkumpay sa
dagat ay dumadaluyong
Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin
Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula
Dahil ba kay Dessa o di kaya
talento na Kanyang biniyaya
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 5:14 AM UTC
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita
Saan na kaya? Sana'y bumalik kana
Hininitay ka na niya
Matagal Tagal naring ikay nawala
Nalilibang kana ata?
Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito
Alak Droga Sigarilyo Ito ang mga hawak mo
Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ilang bundok na ang kanyang inakyat
Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na
Habang ikaw ay naaaliw
Bulong niya'y, oh aking giliw
Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako.
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak
Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak
Niyakap ka niya at sinabing
Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong bukas
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ikay hinahabol niya
Bamalik ka na daw sakaniya
Basahin mo ulit ang kanyang mga salita
Dahil ang mundong Ito ay mawawala
Ngunit ang kanyang salita ay mananatili
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Pagmamahal na walang hanggan
Mamahalin ka hanggang katapusan
Kahit di tayo'y karapatdapat
Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Oh Diba ang Hirap makawala?
Ang Hirap ng walang ama
Kaya't Tara na at bumalik sakanya
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap.
Kay Tagal rin bago ka na hagilap
Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap
Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama.
Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa.
Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay
Para sa aming buhay
May 31, 2019
May 31, 2019 at 10:15 AM UTC
Unang nakilala sa Araling Panlipunan
Sa mga libro’t **** na siya’y ipinangaral
‘Sang simpleng maybahay na tanghal ng kasaysayan
Babaeng sinipa diktaduryang pinairal…
Sa kanyang panahon, ako’y ‘lang malay na musmos
Pulitika, bansa – ano’ng pakialam ko diyan?
Sa unting pagkagulang naunawaang lubos
Bansang hinayupak, pulitika’y pandirian!
Saksi kung paano ang mga hayok na tao
Na parang tubig ang kapangyarihang inuhaw
Lalo na yung mga sa trono ay nakaupo
Daig pa ang mga busabos na magnanakaw!
Mga namulatang pagluklok sa sinadlakan
Ng mga itinuring na pinuno ng bansa
Bahid ng anomalya’t ano pang karumihan
Maliban sa isa na dapat ipagdakila.
Ang nasabing pagluklok ipinagmalaki
Maging ibang bansa’y hinuwaran, itinulad
Ang Lakas ng Bayan nating ipinagpunyagi
Nagpanumbalik sa demokrasyang hinahangad.
Iyon ay dahil sa isang babaeng tumayo
Siya’y sagisag ng pag-asa’t demokrasya
Mapayapa’t malinis na inakyat ang trono
Hanggang kailan ang diktadurya kung siya ay wala?
At kahit wala na sa luklukang hinantungan
Nagsilbing halimbawa na nagmahal sa bansa
Nasilayan kong dinamayan niya’t kinalaban
Isa ring sa Pilipinas ngayon ay nagrereyna.
Sa kanyang paglisan sa mundong pinaglipasan
‘Di dapat kalimutan Dangal ng Pilipino
Itatak sa kasaysayan simple niyang pangalan
Corazon C. Aquino…Mahalagang Pangulo.
-08/05/09
(Dumarao)
*written this day of Pres. Cory Aquino’s burial
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:09 AM UTC
di naman kita hinanap, kusa ka lang dumating
may dalang perpeksyon, at kumplikasyon
ngiti **** matamis pala ay lason
pusong walang imik, bigla **** kinatok
ngayong handa na sayo, bigla **** nilugmok
mukha **** maamo, ugaling nabubulok
kulongang walang harang, pader ng kasinungalingan
pilit inakyat, tahasang binagsak
ngayon ay malaya, pero ang saya pa din ay wala
-bilibid
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 3:57 AM UTC