Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Andito na naman ako sa pagitan
Sa pagitan ng ating pinagsamahan
Ayoko na ba? O itutuloy ko pa?
Susuko na ba? O magpapahinga?

Hindi ko alam ang nararapat
Pero alam ko ako'y tapat
Sa pag ibig na sayo ilalapat
At ako'y magiging tapat

Mahirap pigilan
Pero sinusubukan ko naman
Dahil walang patutunguhan
Hindi pang sawalang hanggan

Pero alam mo nakakapanghinayang
Yung samahan natin baka masayang
Yung samahan na pagkakaibigan
Na hindi magiging pang kaibigan

Andito naman ako sa pagitan
Ang isip ko ay nagpapalitan
Puro salitang nagtatalastasan
Mamahalin pa o bibitawan?
Meruem Jul 2019
Wala ang pamagat,
Malalim parang dagat.
Marahil isang alamat,
Puno ng lamat at sugat.

Patuloy pa rin ang aking kwento,
Kahit ano pa ang naging engkwentro.
Ang bawat katagang hindi imbento,
Ilalapat sa aking pulang kwaderno.
July 8, 2019 - 22:56
Chit Jun 2020
"sabi mo gawan kita ng tula.
bakit nga kaya hindi?
pero sa twing ilalapat ko ang tinta ng aking panulat sa papel
at isusulat ang mga salita na para sa'yo.
hindi ko maiwasan ang
malungkot
maluha
at
matakot,
na baka hindi na muling dumating ang pagkakataong ito,
ang magpagawa ka uli sakin ng tula."

— The End —