Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Bakit wala kang kaibigan
Wala ka bang maibigan?
Huwag kasi ugali ang titignan
Hayaang tangayin ka sa dalampasigan

Malawak ang karagatan
Marami kang kaibigang matatagpuan
Tayo'y maglalayag hanggang katapusan
Halika na't ating simulan

Paa'y hayaang mabasa sa tubig
Matutong ibuka ang bibig
Hiya ay kayang madaig
Kung ito ang iyong ibig

(Sandali! mapanganib ang karagatan
Walang tiyak na papupuntahan
Papatayin ka ng tinatawag mo'ng kaibigan
Kapag binaba mo ang iyong pananggalang

Kaibigan ay di ko kailangan
Nariyan lang sila pag mayroong kailangan
At kung nasa bingit ka ng kabiguan
Tiyak ka nilang kalilimutan

Ang sumugal ay di ko na kailangan
Walang lumalapit ng walang kailangan
Ang lahat ay may hangganan
At ang akin ay nasa sukdulan!)

Tanggapin mo ang katotohanan
Tulad ng isda di lahat ay mapakikinabangan
Ang maliliit ay kailangan **** pakawalan
Upang lumaki pa at magkalaman

Mali na isisi sa iba ang kamalian
Nang mga hindi tapat mo'ng kaibigan
Ang bawat unos ay tumitila din naman
At ang araw ay sisikat din naman
JGA
renzo Sep 2020
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa.
Bungad sa madla, kalabang 'di makita.
Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba,
Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?

Ang pobre'y pilit na tinatanikala,
Layang haring uri'y, 'di binabahala.
Mga biktima ay hindi inalintana.
Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa!

Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda?
Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa?
Corona bang sakit na nakahahawa?
O ang siyang Ulo na namamahala?

Lantad ang huwad nilang pakikisama,
Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya,
Idilat ang mata, bibig ay ibuka.
Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
idilat ang mata, gising sa pagkabalisa. 'wag kang matakot magsalita, ikaw ang natitirang pag-asa.
Mahal,
Irog,
Sinta.
Aking santa na sinasamba;
Minamahal kitang tunay at taos puso akong nanalig---
Ninanais na patuloy na manatili sa yakap ng matitipuno **** bisig
kung saan ako'y nakatali at nakakapit

Aking isusulat ang mga gusto kong sabihin
dahil hindi sapat na ibuka ko ang aking bibig,
mga kamay ko'y may sariling tinig.

Mahal kita, mahal.
Mahal na mahal.
I promised my mom I would start practicing my Filipino skills HAHA I tried.
Lecius Dec 2020
Ipagpatuloy mo ang pag-kapa sa gitara kahit na iyong mga kamay ay itinatali nilang pilit. Ituloy mo ang pag-sulat, pag-awit ng mga liriko ng kanta kahit maraming mapanghusgang mga mata.

Wag-kang manahimik-- ang kailangan mo ay umimik.  Ipabatid sa kanila na ito ang landas na piniling itahak, at kahit man minsa'y ika'y napapahamak, 'di mo parin isususko iyong pangarap.

Kayat tumugtog ka at iparinig sa kanila ang minamahal mo na obra. Pukawin mo ang bawat natutulog na damdamin, gisingin mo ang kanilang mga puso, ipabatid ang mahika ng sariling musika.

Tandaan mo malaya kang piliin kung sino ka mismo.  
Ikaw ang may hawak ng buhay mo, kaya't h'wag sanang hayaan na sila ang mag-dikta ng pangarap. Oras na para ibuka mga pakpak at lumipad.

Hindi ka isang talunan, bagkus idolo na dapat hangaan, sapagkat kay raming dahilan upang isuko ang laban, subalit hindi mo tinuloy sa halip ika'y nagpatuloy-- pinili mo na ipanalo kaysa ipatalo.

— The End —