Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ibinabato" poems
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala." yan ang sabi mo sa akin noon buti nalang hindi na ako naniwala dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko "patawad" lang ang naisagot ko hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip dahil ang salitang ito salitang nanghihingi ng kapatawaran mo ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan ng "patawad" noong simula palang "patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko hindi na ako naniwala "patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to kaya hindi na ako naniwala "patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad" halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad" sana patawarin mo ako dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw at akala mo ako ang nauna pero hindi, hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
0
Jun 22, 2017
Jun 22, 2017 at 4:51 AM UTC
Untitled

Continue reading...
36
Mayroong tao Na mabait sa harap mo Subalit kapag nakatalikod sa’yo Kung anu-ano ang ibinabato – Plastik ang tawag dito! Kapag kausap mo siya Ikaw ay sinasamba Kapag sa ibang tao na Ikaw ay dinudusta – Plastik siya talaga! Ang mga plastik sa lipunan Nababagay sa basurahan Sila’y ubod ng karumihan Dapat silang pandirian At iwaksi magpakailanman! -06/09/2013 (Dumarao) *My Stormy Morning Poems Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:40 PM UTC
Plastik!
Akala ko alam ko Akala ko ito lang yun Akala ko madali lang Akala ko may sagot ako sa mga tanong Pero unti unti Namumulat ako sa katotohanan Nakikita ko ang bukas Nagkakaroon na ng mga katanungan Nagsisimula ng Malito Ano nga ba Sino nga ba ako Para saan ito Bakit ako nandito Mga katanungang ibinabato Sagot ay naging bato dahil hindi mapagtanto Hindi makita ang dulo Hanggang dito lamang Sa puso at isipan Tangi kong naibibigkas Hindi ko alam
0
Aug 19, 2017
Aug 19, 2017 at 7:40 AM UTC
Hindi Ko Alam