Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hinangin" poems
Narito, isang pirasong papel, Nakalamukos sa loob ng isang basurahan, Basurahan na siyang pinagtapuan, Basurahang taguan ng mga dumi , Dumi na mula sa tao, Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo. At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi. Ang pahina ay napuno ng tinta. Maraming-maraming tinta. Nangingitim, kumakalat, naninikit. Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta. Mababasa ang titik na nalikha ng tinta. Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap. Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod. Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina. Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang. Hinangin ang pahina ng papel. Nagpulasan ang mga uod sa tapunan. Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid. Naninipsip sa napupunit na piraso. May naghagis ng isang kalat. Inihagis sa ibabaw ng papel. Gumalaw ang papel. Nagitla ang naghagis. Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis. Ipinukol sa papel. May ilan pang nakakita. Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit May mga naguguluhan sa mga nakasaksi. Ang papel ay walang magawa. Lumalambot ang bawat hibla. Ang papel, sa kanyang pagkatunaw Ay akin ding pagkatunaw. Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat Kalakip ang mga tulad kong papel... Sa... aklat. Sa... tula.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
"Papel" ni P.T. Simon

"Papel"
*buhok na hinangin ngiting iibigin matang nakatingin may pag asa bang maging akin?*
0
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 12:19 AM UTC
Untitled
Minsan hiniling ko nalang talaga na sana, ang puso ko ay di gaya ng k  a  l a n g i t a n Na araw-araw nabubuhay, At gabi-gabi namamatay. Ang pangarap ko Ay parang dagat na pilit kong hinahawi gamit lamang ang kamay. Ang mga tao kasama ko Ay tila mga paso, na pag hinangin Ay bigla nalang mababasag. Ang isip ko ay punong puno ng Mga batong buong buhay ko dinudurog. . . Kasalanan ko ata na maging M  a  r  u  n  o  n  g , Kasalanan atang malaman Na sa buhay, may bato sa daan At may bato ding kumikislap. Kasalanan atang hindi maging K u n t e n t o  sa kung ano ang meron ka. . . Kasalanan ata na kahit anong runong mo, di mo pa din alam ang tama **** kalalagyan.
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 2:39 PM UTC
Untitled
Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan. Tunog ng huni ang aking nagisnan. Liwanag ng araw ang aking nakikita. Sa dapit sulok ako ay nakatanaw. Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan. Oh, kay ganda ng umaga! Sipsip ng kape ang aking natamasa. Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana. Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay. Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin. Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan. Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin. Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan. Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti. Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?
0
Feb 19, 2021
Feb 19, 2021 at 3:22 AM UTC
Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan