isang mukhang naka kubli itinatago ang totoong imahe isang pagkukunwari kailanman hindi maitatago ang katotohanan sa maskara kasinungalingan
minsan masaya minsan may pagsisisihan ka minsan masasaktan pero sa bandang huli may matututunan ka
ito yung buhay na naranasan ko sa likod ng maskara na itinago ko sa paraan hindi ako tinakasan ang buhay na totoong nararanasan ko
gumawa ng sariling mundo na hinango sa imahinasyon paano pa ba makakatakas sa aking buhay na binilanggo ng pag papanggap na hindi ako
minahal nila na akala ay ako to hinangaan nila akala totoo marami naniwala na ang nasa harap nila ay nabuhay bilang malinis na tao
napag tanto ko na parehas lamang ang tao napaniwala ko at ako mismo ay nalinlang lang din sa kainggitan ko galing sa taong perpekto na kinuhanan ko ng pagkatao.
na kahit ako mismo ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo
minahal mo lang ba ako dahil sa itsura ko? nagustuhan dahil sinabi kong mayaman at may kotse ako? tinanggap kasi akala mo nakahanap ka ng prince charming mo?
pasensya na nagising na rin naman na ko sa katotohanan kahit ako mismo ay napagod na sa pagkukunwaring hindi naman talaga ako.
kasi nangarap din ako na tanggapin ako ng buo di dahilsa istura nakaharap sayo dahil gusto ko din ng may taong mamahalin ako kung sino at ano ba ako
ayoko na. pagod na ako. dahil inaasahan ko rin naman na kapag nalaman mo ang totoo ay iiwan mo lang din naman ako
wala kahit sino mismo ang makakaunawa sa taong gumamit at napilitan itago ang buhay sa isang maskara
dahil sa bandang huli ako mismo parin naman ang masasaktan dahil umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan
Sandaling tumigil ang oras upang ipikit ko ang mga mata sa alaalang nais kong balikan mula sa isang taong kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Sinimulan ko sa isang eksenang bibigay at bibigay na ang aking puso sa kalungkutan at kapighatiang aking nadarama noong kailangan ko ng kausap at siya ang aking nasandalan.
Alam **** hindi madali para sa akin na bigyang katuturan ang bawat hiling nila kahit pa alam **** maling mali na ang mga desisyong aking nagawa dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila.
Ikaw ang naging gabay ko no'ng mga panahong ilang ulit akong nakaramdam na may mali na pero ipinagpatuloy ko pa rin ito at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko.
Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin ang aking mga mata upang balikan ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na.
Ang kathang ito ay isinulat ko at gustong ialay sa iyo dahil isa ka at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho, kung hindi ay isang inang itinuring akong isang anak na nawawala at kailangan ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga.
Muli kong binuksan ang aking mga mata at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag.
Taos-puso akong nagpapasalamat, at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.