Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gumagabay" poems
Ito ba'y sa tingin ng miyopia na sandangkal ang layo, gusto na kabigin? Pananaw na malabo, di malirip? O himig na kaagaw-agaw pandinig Musika sa katahimikang pandaigdig na lumilikha ng espasyo sa katotohanang di ibig? Paraan ng pagdarama sa mga bagay na umiiba? Pagkaganyak sa karaniwang obra maestra? Isang sulyap sa ningning ng maririkit na bituin na mapangrahuyo sa mga mata? Panggagaway sa sangkatauhan na walang makapag-aalis Payak subalit gumaganap nang paulit-ulit? Ito ba'y tumatawid sa dakong paglubog tungo sa pagsikat ng araw hilaga hanggang timog? Gumagabay sa paglikha ng sining ng mga pantas at pintor na inspirasyon ang guhit? Tumatalunton sa kinabukasan, lumalakbay sa kawalan hanggan tila mas matayog pa sa pag-asa? Ito ba ang matamis na kabiguan na ninais maranasan? Ginawang bagay na di alam ang kahihinatnan? O piling mga salita na nasnaw sa bibig, bulong sa hangin ng makatang nagtitiis? Kumukurap na liwanag sa karimlan na kung pagmasdan parang mamatay datapwat di kailanman naglalaho? Saglit na galak tulad ng mga nasa yaong pagdiriwang mapagbunyi ngunit di mapagmataas?
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 8:03 PM UTC
Ano ang Pag-ibig
Bakit wala? Oo, wala. Bakit wala ako? At sila’y mayroon. Wala akong ikaw, ikaw na aligagang alagaan ako tuwing ako’y may dinadaing na sakit. Wala akong ikaw na nariyan palagi sa pagsikat at paglubog ko. Wala ako. Sila mayroon. Mayroon silang nasa kanilang tabi at hindi sila iniiwan. Mayroon silang gumagabay sa kanila at walang humpay na tinutulungan sila sa lahat ng ginagawa nila, mahirap man o madali. Mayroon sila na sa tuwing buka ng bibig ay may nakasunod na kutsara na isusubo na lang at ngunguyain na lang nila. Mayroon sila. Ako? Wala. Walang-wala.
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 7:49 PM UTC
Bakit Wala
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago Sa magulong mundong makikita saan mang dako Iisa lamang ang pag-ibig na totoo. Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay. Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay? Masalimuot na mundo, marami ang patunay Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay. Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki? Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog. Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon Mayroon isang Diyos sa atin naroon Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon. Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 11:27 PM UTC
Kaibigan, Usap Tayo
Siya'y aking Ina na kung tawagin ng iba'y 'Ilaw ng tahanan'. Dugo't pawis ang kanyang natamo upang kami'y maitayo. Sa hirap nang buhay siya'y aking tinitingala dahil siya'y dakila. Anumang unos ang dumating siya'y handang sumalungat. Upang kami'y maprotektahan at pagka-ingatan. Aking Ina, paano kami kung wala ka. Paano ang aming kinabukasan kung ika'y wala sa aming tabi. Sino ang aahon at tutulong sa pagsubok na aming haharapin. Sino ang sisindi ng ilaw kapag kami'y pumanig sa karimlan. Sino ang gagabay at patuloy na gumagabay sa pamilyang binuo ng isang matapang na mandirigma. Paano kami kung wala ka, aming Ina! Ika'y Ilaw sa loob ng aming tahanan. Ang siyang aming sandigan sa bawat suliranin na aming pinagdadaanan. Mahal naming Ina, salamat! Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinuhos mo bawat isa sa amin. Ang tanging hiling ko lamang sa Dios ay kung sana'y ika'y pagpalain.
0
May 15, 2021
May 15, 2021 at 10:06 AM UTC
Ilaw ng tahanan
Kapag yumaman na uuwi ba sa San Arden? Tatanggapin, pagkatapos na pinaghintay naging alipin sa kanyang mga kamay at yapos At kung mangyari ay huwag masyado madiin dahil di pa naghihilom nang lubos Tambakan ng lupa ang dasalin para di lumingon o sumulong Isulat sa libingan "Bawal Pitasin amg Tutubong Bulaklak" Upang tumaglay ng mabangong gayak Nagliliyab ang mga kandila na nakatirik sa altar sapagkat nakipagsundo sa diablo nang dahil sa mahal Isinanla ang kaluluwa at ang dugo'y pantubos Ikamamatay man nakakasiguro ang tambalan ay makaraos Di ito ang paraan, mabubulok man ang katawang tao, ang isip sa Diyos lang Mangamba sa tagubilin Ang huling salita ay hindi mawawala sa puso't panimdim Gumagabay sa araw-araw na gawain Ano ang natira sa malawak na lupain? Tila disyerto na lalong umiinit Impyerno na sumibol sa kontinente ay tumatawid ng karagatan ginagapi ang bawat silid
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 9:42 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #30
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan. Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan. Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang. Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan. Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan. Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan. Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan. Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
0
Mar 23, 2023
Mar 23, 2023 at 10:53 AM UTC
Takbo ng Buhay
Sa pag lakad sa panibagong hamon Ang dalawang paa'y humahakbang sa pag-Ahon Mahirap man kahit matarik Madapa man ay muling titindig Kumapit lang at nang maging matibay Diyos ang ating pag-asa ang dakilang saklay Madalas man madapa ay merong gumagabay Sa likod ng pag hihirap ay may pag asang naghihintay
0
Mar 4, 2021
Mar 4, 2021 at 3:24 AM UTC
Dakilang Saklay