Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din. Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit. Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa. Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid. Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino. Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway. Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan. Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag. Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.
May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw. sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa." Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
Nadatnan sa sahig nakahandusay Ilan taon pa lamang noong una natapilok Sa paghuwego ay naglibang Nakalimutan ang sandaling sablay
Bumaba ang araw na nasa taluktok ng kampana ng simbahan May iskarlatang busilak Ang dagundong nito ay ang pagpaparaya sa mga bata na ginigiliw ng kanilang ina
Ikandong ang wasak na damdamin para makahinga Nilulumot ang gasera sa guwang na pandama Di matinag ang pagkawalang
Ipaubaya sa daungan ng mga hiling ang pahapyaw na pinapanalangin At doon din makahanap ng silungan Samantala nalalagasan ng supang ang Sampaguita Malungkot ang kanyang talaarawan
Nagmistulang sinulid ang kaligayahan na ipang gamit sa paghabi ng ala-ala Sa kalayuan maaninag na nagluningning Ngunit kapag sa prontera may pilat na mapusyaw
Pusong mamon kung ikaw ay tawagin, Sa lupaing pangako tunay kang maa-angkin, Taglay **** kagandahan likas sayo'y mapapansin, Bigay sayo ni Bathala, Sapagkat ika'y ginigiliw.
Kung nararamdaman mo aking mahal Masayahin ako't malaya Sa ating pagsasama Wala na ibang iniisip pa
Kung mangyari magawi sa bahay At makita mo ang aking talaarawan Mababasa mo na walang ibang nagaganap na wala ang iyong pangalan
Kung naaalala mo pa sinta Sabay tayong sumisimba At kung narinig ang pabulong kong panalangin Ay tiyak nalaman mo na sobra kitang ginigiliw
Kung buo pa sa isip mo Noong sa paaralan pa tayo Madali akong manibugho Dahil ganyan talaga ako
Ikaw ang unang inibig At wala na pagkatapos mo Kaya sa susunod pang buhay Ikaw pa rin ang susuyuin ko
Kung malalaman mo na kahit ika'y sa ibang mundo Ang dahilan kung bakit sinusulat ko ito Magiging masaya ka na't hindi na mananabik
Ang binili kong lubid Ang tali kong napakahigpit Walang luhang dadausdos sa aking pisngi Sapagkat nakikita na kita na lumalapit Payapa at nabibingi ang nararamdaman sa paligid