Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dinalaw" poems
Tinanong ako ng palubog na araw, "Bakit narito kang muli? Sa sampung beses mo akong dinalaw, isa lamang doon ang may dala kang ngiti." Natawa ako sa katotohanan Oo nga, hindi ko maikakaila "Ika'y aking tinititigan, kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata." Tila nanginig ito sa halakhak Alam n'ya ang kasinungalingan Na kinumpirma ng isang patak, dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka Lumisan ako nung lumubog na s'ya Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan Na naroon lamang s'ya Upang aking balikan Umaasang sa aking muling pagbabalik Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa At madagdagan pang hitik "Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
0
Jun 3, 2019
Jun 3, 2019 at 10:47 PM UTC
Monologo sa Palubog na Araw
Masaya ako nasa pagmulat ng aking mga mata ay mensahe mo agad ang aking makikita Hindi namn nabago dahil simula umpisa ay binabati mo na ako ng "magandang umaga", " kumusta ang tulog mo"? "Kumain kana ba"?Hindi bat masarap sa feeling? Nasa bawat palitan ng ating mga mensahe ay kinakailangan ng paggalang animoy bumabalik sa nakaraan. Parang Lola't lolo mo lang na nangangaral sayo tuwing ikay sasagot ng pabalang. At kapag nawala ang "po" at "opo" sa mga pangungusap na ating binibitawan ay siguradong away na ang labanan, tampuhan, at suyuan. Bakit hindi ka nag "oopo"? Bakit walang "po"? Galit kaba? Ano bang ginawa ko sayo? Mga palitan ng salita na hindi natin sigurado kung may patutunguhan paba. Naalala ko pa nga nung gabing hindi ka nagrereply sa mga message ko. At mga ilang minuto, hindi ako nakuntento sa tagal ng reply mo. Napa-call na ako, baka bukod sa busy ka e baka may kausap ka ng iba. Para ba akong nahihibang parang sirang plakang hindi ko maintindihan, at hindi ako matatahimik hanggat diko alam ang dahilan ng ilang minutong iyong pananahan hanggang umabot ng ilang oras ay hindi parin nagnonotif... Ang pangalan mo sa phone ko. Hindi na ako nag-atubili hinawakan ko na ang aking telepono, tinawagan kita at naka-ilang miss call ako sayo pero tanging ring lang yung naririnig ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa panonood sa yt ng mga palabas na nakakatawa. Tulad na lang ng mga prank na walang kwenta. Yung tipong matatawa ka na lng sa kanila. Matatawa ka na lng kasi kahit anong paglimot ang gawin mo ay maiisip mo parin kung bakit wala pa siyang reply sa mga text at calls mo. Sayang naman yung unli call and text na pinaload ko, kung hindi mo rin sasagutin mga tawag at text ko. Hanggang sa umabot na ang umaga, heto ako't mulat parin ang mga mata. Hindi ako dinalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala. At ngayon ko lang narealize na alas otso palang pala kagabi e tulog kana.
0
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 8:15 PM UTC
"Tulog"

Continue reading...
15
Kaninang madaling araw umiyak ang langit, Nabasa ng kanyang luha ang kalsada na dati **** nilalakaran. Mamayang hapon susunugin ang iyong bangkay. Magiging abo ka at ilalagay sa banga. Sa museleo ng isang simbahan doon ka hihimlay, Matutulog ka na kasama ang ibang bangkay Na tulad **** tinupok nang apoy. Noong isang gabi dinalaw ko ang burol mo, Payapa kang nakahiga sa kabaong , Hindi alam ng mga bulaklak at ataul ang hirap na ‘yong pinagdaanan. Nagpapahinga kana sa sinapupunan ng kawalan Kung saan ang lahat ay nagmula.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 8:55 PM UTC
CREMATION
Matalas na mata , Tulog lang sumasara Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira Walang talab sakit , Manhid ang resistensya Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot Iturok sa sarili , Patayin ang salot Balisa kaibuturan ng iyong isip Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
0
May 22, 2020
May 22, 2020 at 9:05 AM UTC
Uwak
Tinanong ako ng palubog na araw, "Bakit narito kang muli? Sa sampung beses mo akong dinalaw, isa lamang doon ang may dala kang ngiti." Natawa ako sa katotohanan Oo nga, hindi ko maikakaila "Ika'y aking tinititigan, kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata." Tila nanginig ito sa halakhak Alam n'ya ang kasinungalingan Na kinumpirma ng isang patak, dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka Lumisan ako nung lumubog na s'ya Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan Na naroon lamang s'ya Upang aking balikan Umaasang sa aking muling pagbabalik Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa At madagdagan pang hitik "Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
0
Nov 6, 2019
Nov 6, 2019 at 3:27 AM UTC
Monologo sa Palubog na Araw
Paano matataho ang kanyang damdamin Sino ang tinutukoy niyang minamahal Bakit niyakap bigla Malalim na ang gabi nang nagpaalam Tinutugis ng kalituhan Isang dapit-hapon, habang naglalakad Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada Ngunit walang sinuman ang nakapuna Buong aparisyon nga ba Sa bulaklak ng gumamela, dalawang paru-parong itim ay nakita na dumapo at lumipad nang sabay Sino kaya ang susunduin ng kamatayan Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan Ang mga nailimbag ay " Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay" Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim Minamasdan ang ama na humihilik Hawak-hawak ang panyong itim Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:07 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #50