Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"daraanan" poems
Ang pag-ibig Hindi parang load Hindi yan nauubos Wala sa tindahan Hindi inuutang. Ang pag-ibig Hindi parang gasoline station Na daraanan mo lang Na paparkingan mo Pero iiwan mo Pag nakuha na ang gusto. Ang pag-ibig Hindi parang kalsada Na malawak pero tatapak-tapakan Na aayusin at mas mapapansin lang Pagka may lubak na. Ang pag-ibig Hindi parang payong Na gagamitin mo lang Para sa pansariling proteksyon At itatago pag hindi mo na kailangan. Ang pag-ibig hindi yan sasakyan Na daraan sayo at hindi mo mapapansin Na bubusinaan ka At wala kang tamang pandinig. Ang pag-ibig Minsan makukumpara mo Sa kung anu-anong pumupukaw ng atensyon mo Minsan kasalungat Ng kung anong nakikita mo. Hindi mo na lang mapapansin Nandyan na pala, Eh kaso lang, ang layo ng tingin mo Naghahanap ka pa, Eh nasa harap mo na pala.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 4:17 AM UTC
Ang Pag-ibig sa Barangay San Pedro
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden Nakatira kapiling ng ama Sa murang edad, sanay magtrabaho Magpukpok ng pako sa tabla Sapagkat naulila sa inang nagluwal Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit upang mailabas lang kapagdaka bilang anak niya sa kamalig ng kanyang ama Kinalong ng lolo Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo Bumugalwak ang dugo sa patadyong May pag-asa pa bang mailigtas kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan Pumapagaspas ang dahon ng palay Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin Talagang binawian na Nautas ang ilaw ng pamilya Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay Kailangan sundin ang utos at patnubay Kung nabagot sa kahihintay, sa pag-uwi may sasalubong- hampas ng latigo na maglalatay
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 4:58 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #42
Walang silbi ang milya-milyang  layo Ng ating destinasyon Kung ating pag-ibig ay sing tigas ng Batong marmol Wala akong pakialam kong ako'y Kanilang usigin Tanging tibok ng puso ko ang Aking diringgin. Harangan man ng sibat at pana Ang aking daraanan Wala itong laban sapagkat Pagmamahal ko sayo'y Nagsisilbing kalasag na pang laban Mahal na mahal kita ito'y iyong Pakatandaan. Hindi man tayo magkapilng ngayon Sana'y lagi **** tatandaan Nagkatao lang natin ang Magkalayo Ngunit hindi ang ating mga ......PUSO.....
0
Feb 28, 2014
Feb 28, 2014 at 3:24 AM UTC
AGWAT
Kung malamig o basa ang daraanan Wag mo akong pilitan kailanman, baka sa bangin ka matagpuan. Ngunit, habang lalong umiinit, Ang kapit ko’y humihigpit. Dulas ay tuluyang nababawasan habang palapit sa paroroonan.
0
Jul 11, 2011
Jul 11, 2011 at 12:10 AM UTC
Kapit
43 Dalawang araw bago ang kasalan My mga nilalang na bumulabog sa magkasintahan 44 Habang si babae ay sa daan pauwi Na lagi namang hatid ni lalaki 45 May mistulang apoy na nilalang Sa daraanan ay humambalang 46 Siya ay mukhang nasusunog na tao Nagmula sa lupa at kung tawagin ay santelmo 47 Inilabas ng binata ang kanyang espada Dinaluhong ang halimaw ng sandata 48 Napuksa naman iyon kaagad Oh ang dalaga’y kaybuti ng palad 49 Nang dahil kay Biriong sinisinta Muling nailigtas sa panganib si Alyna. -07/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:59 PM UTC
Alabir 7 -Ang Lalaking Santelmo-
15 Kaylapit nang gumabi Si Alyna ay pauwi 16 Tangan sa kamay niyang pareho Mga uling sa sako 17 Tila pagdilim ng langit kaybilis At ang babae’y nakarinig ng bungisngis 18 At sumambulat sa daraanan niya Isang tiktik na nakatawa 19 Akma siyang dadaluhungin Upang siya ay kainin 20 Mabuti nalang at sa ‘di kalayuan Binatang si Birio sila’y nasulyapan 21 Kaagad siyang sumaklolo Tiktik ay itinaboy palayo. -07/16/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:57 PM UTC
Alabir 3 -Ang Halimaw ng Gubat-