Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"birhen" poems
Madasalin akong tao. Pagmulat pa lang ng aking mga mata sa aking unang hinga, sa pagbuka ng aking mga bibig, ngalan Niya na ang unang lumalabas, ngalan Niya na ang aking binibigkas. Sa bawat umagang gumising ako na wala ka sa'king tabi, mas lumalakas ang aking mga dasal. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng aking silid ang iyong mga alaala. Yung tipong aabutin ng ilang dekada bago aking malimutan ang tinig ng iyong mahihinhing mga salita. Ako'y madasaling tao. Sa ilang beses ko ng Isinigaw sa langit ang iyong mga ginawa para mapamahal ka sakin bakit tila aking pakiramdam hindi Niya ako naririnig? Sa ilang beses kong hiniling na makasama ka, sa bawat araw na nasa isipan kita, kulang pa ang mga senyales na ibinibigay Niya. Nakakatawa nga lang dahil hindi ko naman tinanong kung Pwede pa bang ika'y mapa sakin Pero bakit sumasagot na Siya agad Na parang hindi maaari? Pero itinutuloy ko pa rin ang aking pagdadasal at baka sakaling mapag bigyan. Hanggang sa umabot ako sa lugar na sa aking pakiramdam hindi naman sapat ang pagbulong ng dasal. Na hindi na sapat na iiyak ko na lang lahat sa mga paa ng imahe Niya. Na dapat siguro hindi lang saming dalawa ng Diyos ang aking mga hinihiling. Aking gagawing dasal Ang iyong pangalan hanggang sa mabingi ako sa bulong ng bawat santo. Hanggang sa masunog ang dila ko Sa Amen ng bawat pari ng simbahan. Hanggang sa malunod ako sa mga dugong luha na iniyak ng birhen. Kailangan ko lang na iparamdaman Nila na ako'y naririnig. Kahit ang aking mga pinaka tahimik na sigaw para sa pangalan Niya. Isisigaw ko ang bawat rason kung bakit labis na Minahal kita. Ngunit ako'y nagbabakasali lamang, alam kong hindi lang ako ang Kanyang anak pero sana kahit isang beses lamang sa milyong daan kong pagsabi ng pangalan mo sa Kanya, kahit isa lamang sa kung sino man ang nasa itaas; nagbabakasakali lang akong umabot sa langit ang aking mga dalangin. Hanggang sa mahalin mo ako magiging madasalin akong tao.
0
Jul 21, 2015
Jul 21, 2015 at 8:34 PM UTC
Kahit sino man ang makarinig

Continue reading...
77
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Nagtawag siya ng isang espiritista at mananalangin na magbuburda sa bawat hibla ng kamalayan na patuloy na binuburda ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag na mangangarap. Dali't daling sumulat ng dagli, sa bawat pagtagaktak ng mga luhang umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo na siyang nananalangin sa ikalilinis ng tahanan laban sa mga naghuhudas na diyablo, na itinataya ang gabi para mag-anyong tao sa kahit sino. Bago sumapit ang gabi. Sa takipsilim, limang minuto, bago paparating ang isang duyog na magwawakas sa hindi maaaring wakasan, kagaya ng pagtalikod at pagpikit, na hindi maaaring maisara ng mga mata. Magpapakarahas sa pagsigaw at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya, ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang nagdaan sa pagkalimot sa kanila. Sa gilid-gilid ng eskinita, matatagpuan ang mga kawalang-malay na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya, sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling. Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos ipanglagas ang kaluluwa. Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin, pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:34 AM UTC
Untitled