Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
112715 #10AM

Baka nalason na siya sa usok
Na binubuga ng mga nakababahing na mekanismo.
Siya'y nalulumbay kaya't ako'y nabihag niya,
Nabihag -- nabighani
Sa kanyang kumikinang na pustura,
Siyang bughaw na bistida at magbabagong-bihis pa.

Umiiyak siya, kaya't hindi ko na ininda,
Nagbakasakaling mapatahan siya --
Nang di bumugso ang galit
Patungo sa konkreto't pinira-pirasong bakal
Pagkat mga abang, ni hindi ninais na maugatan.

Bulong ko ang lihim na pagtingin,
"Anuman ang iyong kulay
Ang dilag mo'y kabigha-bighani
Kaya lubos kitang iniibig,
Aking panghabangbuhay na kaibigan,
O Langit na Irog."
Maria Zyka Feb 2020
noo'y malakas,
ngayo'y mahina.
nauubos ang mitsa,
namamatay ang kandila.
noo'y liwanag ang dala,
ngayo'y usok ang binubuga.
Tulong.

— The End —